25

5.5K 143 13
                                    

JEMA'S POV

Thursday.
After ng morning training ay nagpunta na ako sa last day ng rehersal namin para sa Summer Festival.

Mahaba haba ang araw ko today dahil after rehersal and practice ng kanta ay may klase pa ako.

Tapos last practice mamayang hapon bago ang training ko sa volleyball.

Nasa music room na ako kasama ang bandang makakasama ko.

"Hey,  Jema.  Nice game kahapon" sabi ng drummer namin.

"Thank you. Talo nga e. "- sabi ko naman dito habang inaayos ang mic na gagamitin ko.

"Okey lang. Bawi sa semis. Atleast pasok na sa Final 4"- sabi naman ng lead guitarist namin.

"Oo. bawi nalang kami"- sagot ko nalang sakanila.

Nagsimula na kami sa practice.
Limang kanta lang naman ang kakantahin ko. 

3 party songs
2 mahugot na songs.

Mahugot talaga. Gusto ata nila magpaiyak ng tao.

It feels so good na nagagawa ko ang mga gusto ko habang nag-aaral. 

Volleyball at ang pagkanta.

Since hindi naman mahirap ang gagawin namin ay mabilis lang nayari ang practice.

Tumakbo agad ako sa klase ko.

Nasa loob na ako ng classroom at naghihintay ng prof ng may nag text sa akin.

From: Unknown number
Hi.

Sino naman ito? Pang ilang palit ko na rin ng number dahil lagi nalang may nakakaalam ng phone number ko.

Dinial ko ang nag text at tinawagan.

Nag ring lang ito at pinatay ang tawag.

Nag text agad ito.

From: Unknown number
Hey, sorry. I can't answer your call.  Nasa klase pa kasi ako. Pero want to tell you I'm sorry sa nangyari.

Sorry? sa nangyari???
Sino ba talaga ito.
Hindi ko nalang ito pinansin tutal hindi naman sya nagpapakilala.

DEANNA'S POV

After kong mag text kay Jema ay naghintay ako ng reply nito.

Pero wala akong nakuha.

Training na namin ng hapon.

Nasa gym na kami lahat.

Hawak hawak ko lang ang phone ko na kanina ko pa tinititigan.

Hoping na mag reply si Jema.

and then sa wakas nag beep ito!

Agad kong binuksan ang text.

From: Captain Ate Ly
Got you Deanna Wong 😜😘😂

NAKAKAINIS!
bigla akong tumingin kay Ate Ly.
Kumaway kaway pa ito habang hawak nito ang cellphone nya.

Inirapan ko lang ito.

Lumapit ito sa akin.

"Give her time, mamaya na yan. Training muna"- sabi nito.

Siguro dating manghuhula si Ate Ly. o kaya may super power ito na bumasa ng isip.

Ipinasok ko nalang ang phone ko sa bag at nagtuon sa training.

Matapos ang training ay nagsiuwian na kami.

Nakahiga ako sa kama.

Agad agad kong naalala ang phone ko.
Nagbukas ako ng mga text and you know what???

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon