8

5.3K 106 1
                                    

Deanna’s POV

Nanalo ang Adamson kontra UST.
Nakatutok lang ako sa buong game. Magaling nga sila.

Sobrang ingay naman ng mga kasama ko dahil panay ang cheer sa admason.
Lalo na kay Jema Galanza. Since mga ate ko sila hinayaan ko nalang. Kahit nakakarindi na.

Nasa isang gilid lang ako ngayon. Nakikinig sa favorite playlist ko at pinaglalaruan ang bola.

Napatingin naman ako sa naglalakad.

Nag tama bigla ang tingin namin ni Jema Galanza.

Naglaro ba talaga sya? Bakit ang fresh pa rin nito.

Naglakad lang ito nang tuloy tuloy.

“Nice play”- sinabi ko nang magtapat kami.

Huminto naman ito at ngumiti
“Tnx, good luck”- sabi nito at nagtuloy tuloy naman sa paglalakad.

Di ko nalang pinansin ang setter nila na nakasunod kay Jema Galanza.
Ang sama ng tingin e.

Naglakad nalang din ako papunta sa mga ka team mate ko para mag warm up.
Ang daming tao, rinig ang hiyawan nung makapasok kami.

“Hoy Deans. Nakita ko yun”- Ate Maddie

“Huh? What?”- pinandilitan ko sya. Inakbayan naman ako nito.

“Jema Galanza”- sabi nito

“Yes?”- ako

“Anong sinabi mo sa kanya?”- Ponggay

“Inaagawan mo ba….sila? SILA? Hindi ako, SILA?”_- ate bea. Nakaamba na naman pala ang bola na hawak ni Ate Jho kay Ate Bea.

“I just said nice play, nothing more”- ako

“Mabuti naman”- Ate Jia

“HOY! ANO BANG GINAGAWA NYO JAN?!”- Rinig kong sigaw ni ate Ly.

“Naglalandi na naman sila Captain!”- sigaw ni Ate Bea

“Sila? Pati ikaw! “- Ate Jho

“WARM UP NA”- Nakatanggap naman kami ng tag iisang batok kay ate Ly. Nasama pa ako sa kabugukan ng mga team mates ko.

Nagsimula na kami sa warm up. Maya maya lang nagsimula na ang laro namin kontra DLSU.

Naging mahirap ang laro namin kontra DLSU. Umabot kami ng limang set. Pero di kami nagpadaig. Nakuha naming ang una naming panalo.
Player of the Game si Ate Ly.

Pinatawag agad kami para sa isang interview. Matapos nun nagpunta na kami sa dugout at naligo.

“Let’s have a dinner first”- ate Ly

“Sagot mo?” – Ate jia

“Nope, coach daw”- Ate Ly

“YES!” – sabay sabay naming sabi.

Lumabas na kami ng arena, sinalubong kami ng mga fans. Naririnig ko rin ang pangalan ko.

“Ngiti ka naman, bahala ka pangit ang mga lalabas na picture mo sa twitter at IG HAHAHAHA”- Ate jho

Sinunod ko naman si Ate Jho at lumapit naman ako sa mga fans na gusto mag pa picture. Kahit na I’m not into it, baka ma bash na naman ako e. HMP!

After nun dumiretso na kami sa bus at nagpunta na sa kakainan namin.
Nakarating naman kami sa resto at naupo muna. Lahat kami may hawak ng phone.

Nagbukas ako ng twitter. Ito na naman ang mga fans.
Halos sumabog ang phone ko dahil sa notif.

“Deansss. Daming fans uh!”- sigaw ni ate Jia.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon