JEMA'S POV
Feeling ko namumula buong mukha ko.
Nakita ba nya? May nakita ba sya? Shit. Shit.
Tinapos ko agad ang pag ligo ko. Kinuha ko ang towel ko.
Hindi ako nag lock ng banyo kasi nga di ko naman alam. 😭 NAKAKAHIYA!
Fuck. Dapat nag dala na ako ng pamalit dito sa loob ng banyo e.
So lalabas akong naka tapis lang?
Wahhhhhh. Teka. Paano ba ako lalabas? Lalabas pa ba ako? Pakain na kaya ako sa lupa?
Wala na akong nagawa. Huminga ako ng malalim at binuksan ang banyo. Lumabas ako.
Nasa kwarto pa rin si Deanna. Naka yuko lang ito. Nakaupo ito sa gilid ng kama.
May bulaklak itong hawak.
"Pa-para sa-sayo. So-sorry" mautal utal nitong sabi habang nakayuko.
Kinuha ko naman ito. Hindi rin ako makatingin sa kanya.
"Sa-salamat"- ako.
Nag angat ito ng tingin. Nag tama ang mga mata namin. Pero sabay naming binawi iyon. Fuck. Ang init ng mukha ko.
"Ma-mag bihis ka na. Labas lang ako"- agad itong tumayo at halos matapilok pa ito sa paglabas ng kwarto.
DEANNA'S POV
Agad akong lumabas ng kwarto. Shit. Binuksan ko na yung aircon pero ang init pa rin. Sira na ata.
Napaupo ako sa sofa. Hindi na kaya ng tuhod ko.
Pinagpapawisan rin ako.
Naalala ko na naman ang nakita ko.
Tapos lumabas pa syang nakatapis lang. Ano ba naman yan.
Ganda ng salubong ni Jema sa akin.
Ugh! Ang bastos ng iniisip mo Deanna.
Maya-maya lang ay lumabas na si Jema.
Tumayo ito sa harap ko.
"Ikaw! sa susunod kumatok ka! "- sabi nito sa akin. HAHAHAHA. ang cute ng BB ko.
"Kasalanan ko ba? Bakit kasi hindi ka nag lo-lock ng pinto? "- tanong ko
"Sinadya mo yun e. Kung nag sabi ka na uuwi ka malamang ni lock ko yun"- Inis na sabi nito.
"Bakit? Kahit naman hindi mo i-lock yung pinto wala naman akong gagawing masama sa'yo e. Depende lang kung mag request ka" - sabi ko. Ang sarap asarin.
Ang cute ng Baby ko. Namumula pa mukha nya. HAHAHAHA.
Tinignan ko lang sya. Naka short lang ito at t shirt na maluwang. Bakit ang sexy nya? Tapos dumagdag pa yung nakalugay nyang basang buhok.
Napatingin ako sa hita nito. Bakit ang kinis ng baby ko?
Pero nawala ang pagpapantasya ko nang may unan na lumanding sa mukha ko.
"Bastos ka! " sabi nito.
"HAHAHAAHAHAHAHA. Bb naman e. Ginyan ka lang. Tititigan pa kita"- sabi ko.
Sobrang pula na ng mga pisngi nito.
Tumayo na ako at naglakad palapit sakanya.
"I love you, B. Payakap nga"- sabi ko rito.
Niyakap naman ako nito
"I love you too. Sobrang na miss kita. "- malambing na sagot nito.
Kanina lang naiinis sya ngayon naman ang amo na. Ang sarap mo talagang mahalin, Bb.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
ФанфикA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...