9

4.9K 111 0
                                    

JEMA’S POV

Kumatok ako sa kwarto nila Fhen.
Pinagbuksan naman ako agad ni Ate Mylene

“Te, si Fhen?”- ako
Tinuro naman ni Ate Mylene si Fhen. Nakatulog na ito.

“Di pa nakakaligo yan. Nakaidlip na. Gisingin ko ba”- ate mylene

“Wag na? Text ko nalang sya”- ako

“Sige, sabihin ko nalang na dumaan ka”- Ate Mylene.

“Okey ate, Salamat. Una na ako. Labas lang ako saglit”

“Sige ingat”- Ate Mylene.

Tumakbo na ako sa labas. 7:30 PM palang naman. 10:00 PM pa naman ang curfew.

Nakita ko naman agad ang sasakyan ni Cy. Agad naman itong lumabas ng sasakyan nya at bumeso.

“Bango uh, pasok ka na”- pinagbuksan ako ng pinto nito.

“Hoy. May curfew ako uh! Sa malapit lang tayo” sabi ko habang nag si-seat belt

“Ito naman. Chill lang. Ngayon lang tayo magkikita oh”- sabi ni Cy.

Pinaandar na nito ang sasakyan. Mabilis lang kami bumyahe at nagpunta sa isang Korean Restaurant.

“Kain tayong madami” – sabi ni Cy. Para naman itong batang nagpapa cute.

“Oo na. basta wag mong sasabihin na marami akong makakain uh, diet. Alam mo na. Baka pagalitan ako ni Coach”- ako

“Cute kaya kapag chubby”- sabay kurot nito sa pisngi ko.
Napansin ko naming maraming nakatingin sa amin. Hanggang may lumapit sa amin.

“Hello po. Fan po ako. Pwede magpa picture?”- dalawang babae ang lumapit sa amin. Kinuha naman ni Cy ang camera at pinicturan kami nito.

Nakakuha na kami ng atensyon kaya sunod sunod ang nagpa picture sa akin.

“Salamat po Jema”- Sabi nila. Ngumiti naman ako sakanila.

“May sikat nga pala akong kasama”- nakangising sabi ni Cy.

“Syempre naman. Ganda ko kaya”- sagot ko rito.

Nilabas naman ni Cy ang cellphone nito.

“Papicture nga naman. I’m a fan po”- sabi ni Cy tsaka lumapit sa akin at nag selfie kami.

Sunod sunod naman na pinindot sa cellphone nito kaya kung ano-ano ang naging itsura ko sa kuha nya.

“I Po-post ko ito”- sabi nya. Sabay pakita sa akin ang wacky kong mukha, may kuha pa na nakasimangot akong nakatingin sa kanya at parehas kaming nakangiti habang nakatingin sa isa’t isa.

“Bahala ka nga”- sabi ko nalang. Wala naman sa akin ang mga ganun e  .
Nag simula na kaming kumain nang may isang grupo na pumasok sa loob ng resto.

Mga taga Ateneo na naman. Bakit ba lagi ko nalang sila nakikita. Yumuko nalang ako para di ako mapansin.

Pero mukang malabong mangyari yun dahil ang inuupuan namin ay mismong dadaanan nila. Sumilip ako sakanila nang maramdaman kong malapit na sila sa amin. Huli na ang lahat dahil nagkatinginan kami ni Maddie Madayag. Ngumiti lang ito at ganun din ako.

“Taga ateneo yung mga yun uh”- singit ni Cy

“Yep. Hayaan mo sila. Kain na tayo”- sabi ko nalang at maganang kumain.
Napansin ko rin na nagpa picture ang mga tao sakanila.

DEANNA’S POV

After practice nag ayang kumain ang mga ate ko. Korean restaurant naman kami.

Pagpasok namin sa resto isang pamilyar na mukha ang nakita ko. Biglang yumuko ito nang Makita kami. Akala siguro nya di namin sya makikita.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon