JEMA’S POV
SEMI FINALS.
Game day VS FEU.
We only need one win para makabalik sa finals.
Maaga akong hinatid ni Deanna sa arena.
Babalik pa raw ito sa BEG para sabay-sabay na silang pupunta ng Ateneo mamaya para sa game nila after namin.
Nag paalam naman ako dito na hindi na ako sasabay sakanya pauwi.
Ni hindi ko nga alam kung makakauwi pa ako sa condo nya.
Ilang minuto lang ay pinapunta na kami sa loob ng court.
Punong puno ng tao ang buong Arena.
Sobrang lakas ng mga hiyawan.
Ito- ito yung mga taong naniniwala na mananalo kami ngayon.
Matapos nun ay nag simula na ang game.
Nakita ko na rin si Deanna kasama ang Ateneo na nasa loob na ng arena.
Kumaway pa ito and mouthed ‘good luck’ bago bumalik sa dugout.
Nginitian ko lang ito.
Nahuli ko naman na nakatingin sa amin si Celine. Inirapan ako nito at saka umiling.
1st Set.
Dikit ang laban.
Lahat ng team mates ko lumalaban.
Lamang pa kami ng ilang puntos nung una pero heto na naman ako,
Nawawala na naman ako.Minsan binubulungan ako ni Celine at pinapaalala nito yung deal namin.
Hanggang mahabol kami ng FEU.
Sa huli natalo pa rin kami.
2nd Set.
Ilang bulyaw yung natanggap ko mula kay Coach.
Pero yung isip ko nakay Deanna lang.
Hanggang sinub out ako ni Coach.
“Look at them, they are all fighting!”- sigaw nito sa akin.
Pinanuod ko ang team mates ko.
Halos maiyak ako nung makita kong lahat sila ginagawa yung paraan para makapuntos.
Pero heto ako, gumagawa ng paraan paraan para matalo kami.
Hanggang dulo ng 2nd Set hindi ako pinapasok ni Coach.
“Jema. We need you”- nasa harap ko si Coach, nakaluhod habang naka hawak sa mga tuhod ko.
“They can't win without you”- pagkasabi ni Coach sa akin nun ay naglapitan ang mga team mates ko sa amin.
Tapos na pala ang 2nd Set. Talo kami.
3rd Set.
Lumipat kami ng bench.
Nakaupo lang din ako.Hanggang lapitan ako ni Chiara.
May tinuro ito sa crowd.
That’s her parents. Cheering and watching her playing.
“Alam mo naman bes na kahit kailan hindi sila nanuod ng game ko. Ito yung unang pagkakataon. Kaya hindi ko alam kung paano ko sila lalapitan mamaya kapag natalo tayo”- sabi lang nito.
Napatingin ako sa kaibigan ko.
Yes. Sa tagal ni Chiara sa Adamson kahit kailan hindi nanuod ang parents nya.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...