3

5.4K 96 0
                                    

DEANNA'S POV

Monday na. After ng ilang subjects ko nagpunta agad ako sa gym at nagpalit ng damit.
Nakita ko naman agad sila coach at mga team mates ko. 

" WONGGGG! " agad akong niyakap ni jules nung makita nya ako.
Hinablot naman bigla ni ate Bea ang bag ko.

"Asan na,  asan na, asan n-" nakarinig ako ng malakas na tunog ng bola. Pinatamaan pala ni ate Jho ng bola si ate Bea.

"Akin nga yan! Hayaan mong si Deanna ang mag abot ng pasalubong! ikaw talaga BEA! " sabay abot sa akin ng bag ko pabalik. HAHAHA. ang sweet talaga ng dalawang to kahit laging nag aaway. Wala namang nagawa si ate Bea kundi ang sundin si ate Jho.

"KJ. PANGIT! " tuloy pa rin ang asaran ni ate Bea at ate Jho.  Inabot ko naman sakanila lahat ng pasalubong ko.

"Thank you, Deanna.  Paano ba yan? simulan na natin ang training mo" sabi ni ate Jia sabay yakap sa akin. Sya talaga ang idol ko. ang very ate ko. Parehas kaming setter.

Matapos ang magulong tagpo. Nag training na kami. Ito talaga ang nagpapasaya sa akin 😊.
---

JEMA'S POV

Tapos na ang training namin for today. Pero nasa gym pa kami dahil sa meeting.

"okey guys, we need to train and train. Because you know that we are aiming for the championship, we will also double our time on trainings" - coach air.

sabay sabay naman kaming napa 'uhhhhhh' dahil pagod pagod na naman ito.

"do you want the championship title?!" -coach air

"YES COACH! " sabay sabay naming sabi.

"then we need to double our effort! "- Coach Air.

"YES COACH! " - puno ng determinasyon ang lahat na sumagot. Grabe talaga itong si Coach. Fight kung fight!

Matapos ang meeting. Nag aya naman ang buong team na kumain muna sa labas. Syempre sa unli rice and chicken kami.

"Hoy!  Dahan dahan kayo sa pagkain! Baka tumaba kayo! " sita ni ate Lyn, ang team captain namin.

"ihhhh. ate. last na ito" sabi ko sakanya.

"hoy, ang liit liit mo na nga bes tapos tataba ka pa. Paano ka na nyan? " sabi ni Chiara sa akin.

Inirapan ko naman sya. 

"sige lang love. Kumain ka pa. Cute mo kaya" sabi ni Fhen sabay pisil ng pisngi ko.

sabay sabay namang nag yieeeee ang mga ka team namin.

"nyeta naman! sa labas nga kayo. kainis! " sabi ni ponce.

"inggitera! " sabi ko kay ponce.

Nagtawanan na naman ang buong team. Ganito lang kami. masaya lang. kaya mahal na mahal ko ang team na ito. Mahal ko din si Fhen. hehe. Mabuti nga di kami pinagbabawalan ni Coach Air.

Matapos kumain bumalik na rin kami sabay- sabay sa dorm.

"love, good night" sabi ni Fhen sa akin at hinalikan ako nito sa noo.

"good night, love. " at tuluyan na kaming pumasok sa kanya-kanya naming room.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon