DEANNA’S POV
Kasalukuyan kaming magkasama ni Ate Bea sa kwarto.
“Hindi pa ba kayo magpapalitan ni Jema?’ tanong ko kay Ate Bea na abalang abala sa pag ce-cellphone.
“Mamaya raw”- matipid na sagot nito.
“Check mo kaya Ate Bei”- sabi ko rito.
“Hayaan mo muna si Jema dun. Ito talaga”- sabi nito.
Nakakainis naman kasi yang Ricci na ‘yan e. Sana magkasama na kami ni Jema ngayon.
Nabigla naman ako nang may sunod-sunod na katok kaming narinig mula sa pinto namin. Napa tayo agad kami ni Ate Bea sa kama.
Mas lalo naman akong nabigla sa nakita ko.
Akay-akay ni Ate Maddie at Ponggay si Jema.
Nakasunod naman dito si Chiara, Ponce, Ate Jho, Ate Jia at Ate Ly.“ANONG NANGYARI?” Sigaw ko sakanila.
Hindi naman nila ako pinansin at pinasok lang nila si Jema sa kwarto at pinahiga sa kama.
Wala itong malay at amoy alak pa ito.
“Pupunasan at bibihisan ko muna sya”- sabi ni Chiara.“Labas muna tayo”- akbay sa akin ni Ate Bea.
Lahat kami ay lumabas ng kwarto.
“Teka nga. Ano ba kasing nangyari?”- tanong ko sa mga ate ko.
Pero hindi nila ako sinasagot. Umiiwas din sila sa tingin ko.
“Ate Ly! Ano bang nangyari? Bakit lasing na lasing yun? Bakit sya lang?”- tanong ko ulit kay Ate Ly.
“Pasensya na Deanns. May plan kasi kami. Hindi na namin nasabi sa iyo”- Ate Jho.
Ikinwento naman nila sa akin kung anong nangyari. Napahawak nalang ako sa ulo ko.
“Hayaan mo na, atleast kahit anong gawin mo kay Jema ngayong gabi magagawa mo na”- Ate Bea
Binatukan naman ni Ate Jho si Ate Bea.
“Ikaw Bea, kung ano-ano na namang sinasabi mo. Magpasalamat ka nalang kay Jema”- sabi nito kay Ate Bei.
“Okey na”- sabi ni Chiara paglapit nito sa amin.
“Deanns, bantayan mo nalang si Jema, panigurado bukas magsusuka nang magsusuka yun sa hilo”- Ponce
“Guys, Let’s go na. Mag rest na tayong lahat”- Ate Maddie
Iniwan naman nila ako matapos nilang magpaalam.
Bumalik ako sa kwarto namin ni Jema.
Nilapitan ko si Jema sa kama namin. Pulang pula pa ang mukha nito.
Hayyy. Talaga nga naman sa mga team mate ko ohhh. Ikaw pa tuloy ang napasubo.“Ikaw naman. Dapat hindi ka pumayag! Matigas talaga ang ulo mo kahit kalian”- sabi ko sa natutulog kong baby.
Pinatay ko nalang ang ilaw namin matapos ay tumabi ako rito.
Niyakap ko nalang sya hanggang sa makatulog na rin ako.
JEMAS’S POV
Nagising ako at agad na napa upo sa hinihigaan ko.
Nakaramdam ako ng uhaw.
Napahawak rin ako sa ulo ko sa sobrang sakit. Shit. Nahihilo ako!
“What do you want? Are you okey?”- nagising na rin si Deanna dahil sa akin. Napa upo na rin ito mula sa higaan namin.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...