40

5.1K 172 35
                                    

DEANNA'S POV

"Anong nangyari? "- tanong nila Ate Ly.

"Nawawala daw si Jema,  I still don't know the whole story. Nasa police station si Chiara"- sabi ko. 

"Tara na muna sa police station"- Ate Bea.

"Someone texted me this"- sabi ko sakanila. Pinakita ko ang phone ko.

"FUCK! "- Ate Jia

"I'll just call this first. "- sabi ko.

Kung sino ka man. Tangina. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag may nangyari kay Jema.

Tinawagan ko ang nag text kanina.

"Deanna Wong,  as expected. "- boses ng isang lalaki.

"Where's Jema? "- tanong ko

"Chill lang. Pero I want you to know na alam ko na kasama mo ang mga kaibigan mo.  Saan kayo pupunta? sa police station? Wrong move,  Deanna Wong. "- sabi nito.

Nakatingin lang sa akin sila Ate Ly.

"What do you want?"- kinalma ko lang ang sarili ko.

"I'll tell you later"- sabi nito.

"Where's Jema? "- nag sisimula na akong mainis.

"Do you want to hear her sweet voice? "- sabi nito.

"Don't you ever hurt her! "- sigaw ko.

"Here she is"- sabi nito.

"tanggalin nyo yang nasa bibig nya"- narinig kong sabi nito sa linya.

"FUCK YOU, JASON! HUWAG KANG MANDAMAY NG IBA! "- narinig ko ang boses ni Jema.

Napapikit ako.

Tangina! Jason?!  Sabi na! Walang hiya ka.

Nag iinit na ang ulo ko.

Seryoso namang nakikinig sa akin sila Ate Ly na mukhang kinakabahan na rin.

"Hello! Jema! Are you alright?"- sabi ko. Halos napatayo naman sa kinauupan nila sila Ate Jia nang marinig nilang banggitin ko ang pangalan ni Jema.

"Dea-Deanna. Okey ako. O-okey ako. Wag kang pu-punta dito. Please"- sabi nito sa kabilang linya habang umiiyak.

"Nasaan ka?!"- sigaw ko.

"DEANNA! WAG KANG MAKIKINIG JAN. BALI-"- hindi natapos ni Jema ang sasabihin nito.

Nakarinig ako na parang may pinalo mula sa kabilang linya. Narinig ko pa ang sigaw ni Jema.

"Fuck you, Jason! Wag mong sasaktan si Jema! "- sigaw ko.

Halos mapasabunot ako sa buhok ko.

"Konti lang naman yun, Deanna. Madaldal e"- sabi nito.

JEMA'S POV

"I'll send you the address. Ikaw lang ang kailangan ko. Kung hindi, alam mo na mangyayari kay Jema"- sabi ni Jason.

nilagyan ulit nila ng tela ang bibig ko. Hindi na ulit ako makasalita.

Itinabi na ni Jason ang cellphone nito.
Nasa isang bahay na parang warehouse kami. Puno ng picture ko ang pader.

Nakataas ang dalawang kamay ko at nakatali ito. Magkadikit at nakatali rin naman ang mga paa ko.

May dalawang lalaki sa harap ko bukod kay Jason.

Pinalo ako ng kahoy kanina ng isang lalaki sa tuhod ko. May sugat na rin ang wrist ko dahil halos magpabuhat na ako sa tali ng kamay ko. Nawawalan na kasi ako ng lakas sa tuhod.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon