18

5K 128 1
                                    

JEMA'S POV

Nag simula na ang 2nd round ng elims sa UAAP.

Alam ko sa sarili ko na kapag may laro ako ng volleyball ay dun lang talaga  nakatutok ang isip ko kaya hindi ako nahirapang mag adjust kahit na may wall na sa pagitan namin ni Fhen at Ate Mylene.

Pero naging mahirap sa akin ang sakit tuwing nakikita ko si Fhen

Nasa loob ako ngayon ng office ng Prof namin sa arts and sciences. May sasabihin raw ito sa akin.

Ilang linggo na ang lumipas simula nang maghiwalay kami ni Fhen.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa trainings at pag-aaral.

Sa gabi naman ay di ko maiwasang maiyak lang.

Hay Jema! Stop thinking about it.

Dumating na ang prof ko.

"Ms. Galanza, I know very busy ka, salamat at nagpunta ka rito"- sabi ni Prof. Gonzaga.

"Yes Ma'am, okey lang po, mamayang hapon pa naman ang training" ngumiti ako rito.

"Yun nga, kaya ka namin pinapunta dito ay may hihilingin sana kami sa'yo,  alam mo naman malapit na ang summer festival ng university natin"- sabi nito

Oo nga pala. Ito ay isang activity ng university na talagang dinarayo ng mga taga labas.

Every year ginaganap ito.
Maraming booth at sobrang saya nito!
Na excite ako.

"Isa ka sana sa hihiramin namin para kumanta sa pool party kasama ang banda"-  sabi ni Prof.

"Talaga po? " sabi ko rito.

"Yes. Isa ka kasi sa mga most requested ng mga estudyante at ng mga taga labas, kahit limang kanta lang, sana pagbigyan mo kami"- sabi nito.

"naku po! Oo naman po Ma'am! " excited kong sabi.

"Hindi naman siguro kami makakaabala sa mga laro mo"- sabi nito.

"Hindi po ma'am. Maliit po na bagay!" sabi ko rito.

"Maraming salamat Ms. Galanza, and good luck sa mga laro,  Congrats din sa magagandang grades mo kahait isa kang student athlete. I'm a fan"- sabi nito.

"Si Ma'am talaga,  sige po Ma'am mauna na po ako, Maraming salamat po"- sabi ko rito at nagpaalam na.

Nag punta na ako sa dorm at maghahanda na para sa training.

Marami pa kaming natitirang laro bago matapos ang elims.

DEANNA'S POV

Chineck ko ang mga natitira naming laro.
Kasalukuyan kaming nasa gym. Nagpapalipas ng oras kasama ang mga team mates ko. 

Apr 3 Wed - VS FEU
Apr 7 Sun- VS NU
Apr 13 Sat - VS DLSU
Apr 24 Wed- VS Adamson
Apr 28 Sun- VS UE

May lima pa kaming natitirang laro bago ang semis.

"Hoy!  Nag post ang page ng Adamson"- Sigaw ni Ponggay.

Lahat naman kami ay napatingin sakanya.

"Yung summer fest nila sa April 26! Punta tayoooo! at... " sabi nito.

"KAKANTA SI JEMA SA POOL PARTY! " sigaw nito na patalon talon pa.

"Sakto! Kayayari lang ng laro natin nun"- sabi ni Ate Maddie.

"Ano? punta tayo? "- tanong ni Ponggay.

"G lang, para makapag relax naman tsaka bonding" sabi ni Ate Ly.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon