37

4.7K 146 58
                                    

JEMA'S POV

Hindi ako nagparamdam kay Deanna. Ganun din naman sya.

Siguro masaya na sya sa Celine Domingo na yun.

Parang ang bilis naman nyang nakahanap ng iba.

Hindi pa kami.  Pero ipinalit na nya ako agad.

Nasa dug out na kami.

Game day VS ateneo.
Game 1 ng finals

"Bes. Okey ka lang? "- Chiara.

Tumayo naman ako mula sa inuupuan ko. Oras na kasi para magpunta sa court.

"Oo naman. Ipapakita ko kung anong meron tayo"- sabi ko.

Tinawag na kami ng captain namin. Nanalangin kami bago lumabas sa dugout.

Nakaramdam naman ako ng kaba nang makita kong nasa court na ang mga taga ateneo.

Kinabahan ako hindi dahil sa laro.

Kundi kinakabahan ako dahil makikita ko si Deanna.

Nag wa-warm up na sila.

Naghiyawan naman ang mga tao nang pumasok kami.

Napatingin ang mga taga ateneo sa amin.

Then I saw Deanna.

Nag se-set ito ng bola.

Parang wala syang napapansin na ibang tao.

Hindi ka ba masaya na makikita mo ako?

"Jema. Game day"- Ate Lyn. Alam ko na kung anong ibig nyang sabihin. Siguro napansin nyang distracted ako.

Alam ko kung gaano ka importante ang larong ito sa mga graduating.

"Yes ate. Makakaasa ka sa akin"- sabi ko.

Saglit akong naupo sa bench.

Pumikit ako.

Inalis ko lahat ng iniisip kong hindi makakabuti sa laro ko.

Lahat ng nararamdaman ko,  kailangan ko munang itabi.

Wala akong ibang inisip kundi ang laro.

DEANNA'S POV

Hindi ko napansin na nasa court na rin pala ang mga taga adamson.

Bago umalis sa condo kanina sinabi ko na sa sarili kong mag fo-focus lang ako.

Hindi ko kinausap si Jema ng ilang araw. Ako pa ba ang kailangang sumuyo? Sya itong masayang nakikipag usap sa iba.

May bulaklak pa.
May pahalik pa sa kamay.
May payakap pa nya.

Sabagay. Lalaki yun. Anong laban ko?

Maya maya pa ay lumapit sa akin si Ate Bea. Sya na kasi ang papalo sa set ko.  Pero bago ito pumalo nag salita ito.

"Minsan kailangan natin magbaba ng pride kahit hindi natin kasalanan. Mas hindi magkakaintindihan ang dalawang tao hanggang hindi nag uusap"

Nag set ako ng bola at pinalo nya ito.

Sumunod si Ate Maddie

"Ang pinakamahalaga sa relasyon ay ang tiwala"- kinindatan ako ni Ate Maddie.
Nag set ako ng bola at pinalo nya ito.

Si Ate Jho naman ang sumunod

"Si Bea, sobrang babaero nyan. Minsan lalakero din. Maraming na li-link sakanya, Pero sakanya lang ako naniniwala at maniniwala"

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon