JEMA'S POV
Katatapos lang ng performance namin sa ASAP. kasalukuyan kaming nagpapalit ng damit.
at hindi pa kami nagpansinan ni Deanna after kong magpunta sa condo nya. Siguro naramdaman din nyang ayaw ko muna syang kausap.
Nakakainis kasi yang Ricci na 'yan. Paano ko ba sya mapapahinto without telling na kami na ni Deanna? MABABALIW na ako.
"Jema. Mauna na ako uh. Hinihintay ako ni Jho sa sasakyan e. Ingat ka"- Nagpaalam na sa akin si Bea. Tumango naman ako dito bilang pagsang ayon. Buti pa si Jho at Bea. Okey na.
Tumayo na rin ako para magpalit. Matapos ay inayos ko na ang mga gamit ko. Aalis na sana ako pero bigla akong napahinto nang makita ko si Ced.
"Jema. Sabi ko naman sayo. Hindi titigil si Ricci. Kilala ko 'yun"- sabi lang nito.
Napaisip ako bigla. Dapat ba magtanong na ako rito? Magtatanong lang naman ako e.
"Naiinis na ako sakanya. Ginyan ba talaga sya? Ginyan ba talaga kayo?"- tanong ko.
"Ang isang tao, hanggang hindi nya nakukuha ang gusto nya hindi yan titigil. Trust me. "- Ced
"Paano ko sya mapapatigil? "- ako.
Ngumiti naman sa akin si Ced at lumapit sa akin.
"Titigil lang yun kapag may iba ng gusto"- bulong ni Ced.
Napakunot naman ako ng noo. Ano???
Nilagpasan na ako nito at naglakad na sya palabas. Pero bago sya makalabas tinanong ko ulit ito.
"Anong ibig mong sabihin? '- ako
Humarap naman ito sa akin.
"Akitin mo. Para mabaling ang atensyon nya sayo at tumigil na sya kay Deanna"- sabay kindat nito sa akin.
Napaisip naman ako sa sinabi nito.
Akitin??? si Ricci?! Baliw ba si Ced?
Pero pwede rin.
HAYYYY! AYOKO NA! BAHALA NA.
GULONG GULO NA AKO!Mabilis lumipas ang araw. Sunod-sunod ang mga schedule ko at ng team namin.
Kabilaan ang mga interviews at guestings sabayan pa ng requirements ko sa school.
Hindi kami nakakalabas ni Deanna dahil busy din naman sya.
at hanggang ngayon itong si Ricci panay ang papansin kay Deanna pati sa social media.
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Nag iisip pa rin kung paano ko patatalsikin sa buhay ni Deanna si Ricci.
"Hoy. Bes. Lalim ng iniisip mo. Bukas na ang shoot mo with Ricci uh. Handa ka na ba? "- Tanong ni Chiara.
"Naku. Si Jema pa. Nag iisip yan kung paano nya haharapin yung karibal nya"- Ponce
"Magsitigil nga kayo kung wala kayong sasabihing matino"- ako
"Gusto mo ba samahan ka namin bukas bes? Kidnappin nalang natin si Ricci tapos itapon natin"- Chiara.
"Wag naman Chiara. Sayang din yun. Gwapo kaya nya. "- kinikilig pang sabi ni Ponce
"Sabagay. Gwapo nga sya. Di ko masisisi si Deanna kung bakit nya sinagot nun"- Chiara
"Tsaka kung ako kay Jema matatakot na ako kasi grabe talaga ang datingan ni Ricci no. "- Ponce
Dahil sa inis ko tumayo nalang ako.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...