IV

2.9K 130 70
                                    

DEANNA’S POV

“Deanna. Asan si J?”- Bungad ni Cy sa akin pag labas nila ng elevator.

Pababa na sana ako matapos kong maihatid si J sa condo unit nito nang masalubong ko si Cy, Ate Ly, Ate Jia, Ate Bei, Ate Jho, Ate Madz, Ponggay at Luigi.

Hinihingal pa rin ako sa pagtakbo naming dalawa para lang matakasan ang mga fans at reporters.

Agad na hinawakan ni Luigi ang braso ko para alalayan ako.

“Puntahan mo nalang sa unit nya. 205”- sabi ko lang kay Cy.

“Okey. Mauna na ako”- dumiretso at nag lakad na palayo si Cy sa amin.

Nang huminto ang elevator ay pumasok agad ako dito.

Sumunod naman sila sa akin.

“Okey ka lang?”- Ate Ly.

“Yes.”- sagot ko rito.

“Ano bang nangyari sa’yo at mukang badtrip ka?”- Ate Bei.

“Hindi man lang ba marunong mag thank you yang import natin? Pag hatid ko kasi sakanya sa unit nya hindi man lang ako pinapasok at inalok para uminom man lang ng tubig, bigla nalang ako pinag saraduhan ng pinto”- paliwanag ko sa mga ito.

Pinagtawanan naman nila ako sa sinabi ko.

“Hindi ba nya alam na ako ang may ari ng condo na ‘to? Anytime pwede ko syang patalsikin dito”- ako.

Inakbayan naman ako ni Ate Jia.

“Chill ka lang. Ilang months lang naman si J dito e”- Ate Jia

“Kita nyo, hindi lang ako ang kumukulo ang dugo jan sa J na ‘yan e”- Ate Madz

“Excuse me lang Maddie uh. Nung dumating nga sya ikaw ang pinaka excited na malapitan sya”- Ate Bei

Nagtawanan ulit sila.

Hanggang makarating kami sa Ground floor.

Nag paalam naman na ako sa mga ito at hindi na sumama pa sakanila dahil kailangan kong makausap si Luigi.

Nag punta kami sa restaurant ng condo.

Nakita ko naman na dala ni Luigi ang lunch box ko.

Nagpa serve ako ng pagkain nito.

“Gi, Pwede mo bang makausap lahat ng tao natin dito para ma- sure lang na walang makakapasok na kahit sinong fans at reporter”- ako habang inililipat sa plato ang laman ng lunch box ko.

“Sure. Ano pa?’- Luigi

“and pwede ba everyday pa serve nalang din ako ng pagkain nya sa condo nya. Pero I- ask nalang din nila kung anong gusto nya”- Ako.

“Teka. Kanina halos sumabog ka sa inis sa kanya tapos ngayon concern ka nalang bigla”- Luigi.

“Kung hindi lang namin sya import, Gi. Believe me matagal ko na sya napatalsik”- Ako

Nagkibit balikat lang si Luigi at ipinagpatuloy ang pagkain.

Matapos nun ay nag usap nalang kami tungkol sa business.

----

Kinabukasan maaga kaming pinapunta sa Gym nila Ate Ly.

Mag hapon ang training naming ngayon dahil Sabado.

Which is okey lang naman sa amin lahat.

Hinatid ako ni Luigi sa Gym.
Tinulungan na rin ako nitong buhatin ang dala kong sports bag.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon