DEANNA'S POV
"DEANNA?! "- halos gulat na sigaw ni Jema.
"Bakit? may iba pa ba? "- tanong ko.
Medyo bumangon ito sa pagkakahiga.
Inalalayan ko naman ito.
Niyakap agad ako nito.
"Anong ginagawa mo rito? "- tanong nya pagkatapos ako nitong yakapin.
"Weekend kasi tapos wala akong magawa?"- sagot ko.
"Paano ka nakarating dito?"- Jema.
"Nag chat ako kay Ate Jovie. kung pwede ako sumama"- sagot ko.
"Ehem"- biglang may umubo sa gilid namin.
"Mag miryenda na muna kayo. Jema. Pagpahingain mo muna yang si Deanna"- Sabi ni Tita.
"Nay. Bakit hindi nyo naman sinabi na dadating si Deanna"- Jema
"Si Deanna at Ate Jovie mo ang tanungin mo. Sya at mag miryenda muna kayo para makapag pahinga. Deanna wag kang mahihiya dito. Welcome ka sa amin"- Tita
"Salamat po, Tita"- ngiti ko rito.
Naupo naman ako sa tabi ni Jema. May support pa rin ang tuhod nito.
"Kamusta ka? Bakit hindi mo man lang ako sinabihan? "- Sinamaan naman ako ng tingin nito.
"Eh. Surprise??? " sagot ko.
"Tssss. Madaya"- sabi nito. Kinurot ko ang pisngi nya. Bakit ang cute mo, Jema?
"Asan pala si Tito? "- tanong ko.
"Nasa school pa yun. Mamaya dadating na. Bakit? matapang ka na? "- pagbibiro nito.
"Oo naman. basta para sayo"- sabi ko.
Bigla namang namula ang pisngi nito. Ang cute.
"Sus. Baka mamaya gusto mo na umuwi e"- Jema.
"Pinapauwi mo na ata ako"- sagot ko.
Matapos namin mag miryenda ay inaya na muna ako nito sa kwarto nya para ayusin ang gamit ko. Inalalayan ko syang maglakad.
Hindi ganun kalaki ang bahay nila. Sakto lang. Pero makikita mo na parang bonded talaga ang pamilya nila. Marami rin kasing family pictures na nakasabit sa pader nila.
Pagpasok ko ng kwarto ni Jema. May kama ito sa gitna na kasya naman siguro ang dalawang tao. May mga nakasabit na jersey nya simula nung elementary sya hanggang nitong nasa adamson na sya. Marami rin itong mga pictures sa pader. Napansin ko rin na may mga naka display na mga bigay ng fans nya. May study table ito sa isang gilid. May nakapatong na mga libro dito. Pero may napansin ako.
Nang maiupo ko sya sa kama nya ay tinitigan ko ang nasa study table nya.
Nilapitan ko ito.
Teka. Isang maliit na picture frame. at ang nasa litrato, picture nila ni Fhen na magkaakbay.
Napansin ata ni Jema na nakita ko iyon. Tumayo sya mag isa at agad na kinuha at inilagay iyon sa drawer nya.
"Sorry. Ngayon lang naman ako nauwi e. Last time na umuwi ako hindi ko napansin. Di ko pa pala natanggal. "- paliwanag nito.
Lumapit naman ako rito at inalalayan ko ulit sya.
"Maupo ka nga muna. Kalma, Jema. Huli ka naman na" biro ko rito.
"Hindi naman. Kasi e. Basta. basta wala yun"- sabi nito.
Hindi ko nalang pinansin yun. Past is past naman na e.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...