JEMA'S POV
"Bea?! "- Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko. Parang lasing na ito at hindi na nya alam ang ginagawa nya.
Agad akong tumayo at pinuntahan sya.
"Hi, Miss. Ang ganda mo. Sayaw naman jan"- Sabi ng lalaki pag lapit ko sakanila.
Bigla namang may humawak sa bewang ko.
Puta sa bigla ko ay naitulak ko ito at natumba ito.
Agad kong hinila si Bea.
Napayakap ito sa akin.
Hihingi sana ako ng tulong sa mga ka team mates ko pero hindi ko sila makita.
"Ish shino kha? "- Bea
Inakbayan ko naman si Bea at hinila ko sya palayo sa mga sumasayaw
Inakay ko ito papunta sa parking lot. Sobrang tangkad at bigat ni Bea. Pero kailangan ko syang ilabas dito.
Binuksan ko ang sasakyan ko at ipinasok sya dun.
"Bea! "- inalog alog ko ito.
"Yahhh. Ihnhom pha. Fuck shino ka ba? "- sabi nya sa akin.
"Bea. Jema. Jema 'to. Ano bang nangyari sayo?! "- Tinitigan naman ako nito at ngumiti.
"Jhema. Bhalik pa akho dhun. Ibbahlik mo ako"- sabi nya.
Binuksan naman nya ang pintuan ng sasakyan ko at akmang lalabas na sana.
Agad akong lumabas ng sasakyan at nagpunta para salubungin sya. Nailabas na nito ang kalahati ng katawan nya.
Nag suka ito sa labas.
Hinimas ko ang likod nito. Inabot ko naman ang tissue sa bag ko.
Itinulak ko ulit sya papasok ng sasakyan at pinunasan ito.
Shit naman Bea.
Nanguha ako ng tubig at pinainom ko ito. Nakapikit na ito.
Inayos ko ang upo nito at inilagay ang seat belt. Agad akong nagpunta sa driving seat.
Shit. Yung cellphone ko!
Hindi ko naman pwedeng iwan dito si Bea.
"Bea! Bea! Saan ka nakatira? "- Inalog alog ko ulit ito.
Hindi ito sumagot at inabot lang nito ang phone nya.
Kinuha ko ito.
Itinaas nito ang daliri nya. Uhhh. finger print.
Nang mabukasan ko ito bumungad ang mukha ni Jho.
Nag scan ako ng contact nya.
Tinawagan ko si Deanna pero hindi sumasagot.
Pati si Jho.
Lahat ng team mates nya hindi sumasagot. Puta. Ngayon pa talaga?!
Nag scan pa ako ng contacts nya and nakita ko na may naka phonebook na friend. Tinawagan ko ito.
"Hi ! "- ako
"Hi? sino to? "- Friend ni Bea
"Jema po"- ako
"Jema?! "- Friend ni Bea
"Yes? Jema Galanza. Ask ko lang kung saan nakatira si Bea? Lasing na lasing e. Iuuwi ko sana sa condo nya"- sabi ko.
"Uh. Jema Galanza. Yung taga adamson. Yeah. Kilala kita. Hay naman Bea. Pasensya na ikaw pa naabala nya. I text ko ang address. Salamat uh. Ikaw muna bahala dyan kasi hindi rin ako makakapunta jan dahil nasa bahay na ako. Wala ba si Jho jan? "- sabi nito.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...