JEMA'S POV
Katatapos lang ng afternoon training namin.
Nagpaalam naman ako kay Deanna na hindi muna ako matutulog sa condo nya dahil birthday bukas ni Chiara.
May Konti lang Sana kaming pa-surprise sakanya.
Agad naman kaming nag usap ni Ponce nang mag shower si Chiara.
"Ako na bahala sa gift and cake. Pupunta na ako sa mall bago umuwi sa dorm"- ako
"Oo. Sige. Pag nakabalik ka na sa dorm dun ka muna sa room nila Kring para Hindi ka makita ni Chiara"- Ponce.
Nag Plano kami saglit ni Ponce dahil balak Sana namin i- celebrate ang birthday ni Chiara exactly 12:00 ng madaling araw.
"Uy. Bes. Aalis ka ulit?"- bigla kaming napahinto nang bumungad sa harap namin si Chiara.
"Oo Bes, dun ulit ako matutulog kanila Deanna."- sagot ko rito.
Bigla naman itong nalungkot.
"Eh bukas? Baka naman pwede kang umuwi ng dorm"- Sabi nito habang nag papatuyo ng buhok gamit ang towel.
"Bakit ano bang meron bukas?"-Ponce.
Hindi ko alam kung tatawa ako o makukunsensya.
Pero bago pa man kami mahalata ay tumalikod na ako na parang nagmamadaling umalis.
Agad akong nagpunta sa mall mag isa.
Nag punta ako sa isang shoe store at binili ang sapatos na pinag iipunan ni Chiara.
Syempre hati kami ni Ponce sa pambili. Medyo Mahal e.
After nun ay cake naman ang binili ko.
Kasalukuyan kong hinihintay ang cake nang magtext at magpabili pa si Ponce ng kahit tatlong balloons.
Nagpabili pa Ito ng pagkain nya dahil Hindi raw sya kinakausap ni Chiara.
Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang cake at balloons, sa kanang kamay naman ay yung gift namin at take out na pagkain namin.
Para naman akong tanga na naglalakad sa loob ng mall na sobrang daming hawak.
Nasa harap naman na ako ng escalator ng mall para bumaba papunta sa parking.
Pero saglit akong napahinto.
Paano ba ako bababa? Hindi ko kasi kayang sumakay ng escalator nang hindi humahawak. Baka matumba ako.
Hay! Bahala na.
Huminga ako nang malalim tsaka inihakbang ang kaliwang paa.
Pero bago ko pa man maitapak ang kanang paa ay bigla akong na out of balance.
Sinasabi ko na nga ba.
Pumikit ako kasi mukhang gugulong na ako paharap. Pero bago pa man ako matumba ay may humila sa likod ko.
"Got ya!"- sigaw nito habang hila ng isang kamay nya ang kwelyo ko at naka alalay naman ang isang kamay nito sa bewang ko.
Sobrang kinabahan ako sa nangyari. Nakakatakot na kahihiyan Sana ang aabutin ko.
Mabuti nalang at Wala na rin gaanong tao sa mall dahil Gabi na.
"Let me help you nga Kasi"- Sabi nito nang makatayo ako nang mabuti.
"Ricci?"- Sabi ko nang kinuha nito Ang ilang hawak ko.
Naka hoody pa ito at cap.
"Yep. I saw you na kanina. Mabuti nalang nasundan kita."- Sabi nito.

BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...