DEANNA’S POV
Kayayari lang namin mag shower matapos ang training namin.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng gym.
Hinihintay namin si Ate Ly dahil may importante raw itong sasabihin sa buong team.
“Anong oras dadating si Ate Ly?”- Tanong ni Ate Madz kay Ate Jia.
“Malapit na raw”- Ate Jia na kanina pa abala sa phone niya.
“Ano ba kasing sasabihin nya? I need to do some work today sana”- Ate Bea.
“Baka tungkol na naman sa import. Paimportante naman kasi yang J na ‘yan. Kung hindi lang kay Ate Jia at Ate Ly tatanggi sana ako”- Ate Madz
“Oo nga. Like 2 weeks nalang start na ng conference pero wala pa rin tayong import. Gosh”- Ponggay.
“Lets us all trust ate Ly and Ate Jia nalang”- Ate Jho.
Maya- maya pa ay biglang bumukas ang pinto ng gym namin.
Lahat naman kami napatayo nang makita namin si Ate Ly kasama si Cy, may kasama pa silang isang tao pero nasa likod lang nila ito kaya hindi namin gaanong makita.
“Everyone. I’m sorry. Sobrang traffic lang”- Ate Ly
“Kung hindi lang ikaw ate Ly umalis na ako”- Ate Madz
Siniko naman ni Ate Jia si Ate Madz
Ate Madz talaga ohhh.
“I’m sorry dahil may sinundo pa kami sa airport.”- Cy.
Wala naman nag salita.
“Do you mean? Sinundo nyo si…”- Hindi na natuloy ni Ate Bea ang sasabihin nito dahil biglang nag step side si Ate Ly at Cy para makita namin ang taong nasa likod nila.
“OH MY GOSH”- Ate Bea.
Nag hiyawan lahat ng team mates namin.
There she is.
Sobrang simple lang nito sa suot nyang black dress.
Iba pa rin talaga ang dating nito kapag nakita mo sya ng personal.
Napatingin ako sa mukha nito.
Black mask.
Pero biglang kumabog ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin.
Umiwas agad ito ng tingin sa akin.
Sobrang cold ng mga mata nito.
Na parang matatakot ka kapag tinignan ka nya.“Meet our player, your new import, J”- Cy
Agad na lumapit si Ate Madz kay J.
“GOSH. IS IT REAL?”- Hahawakan sana ni Ate Madz si J pero humakbang ito pabalik sa likod ni Cy.
Hinila naman ni Ate Jia si ate Maddie.
“Kanina lang nag aalburuto ka tungkol sa import natin”- bulong ni Ate Jia.
Nakita ko naman na hinarap ni Cy si J para kausapin
“It’s okey. Lagi lang akong nasa tabi mo”- sabi lang ni Cy dito habang nakahawak sa balikat nya.
Nag step side ulit si Cy.
Lahat nakatingin lang kay J.
Nakatingin lang ako sa mga mata nito.
Parang nakita ko na ang mga matang iyon.
Sobrang pamilyar pero hindi ko maalala.Siniko naman ni Cy si J like telling na kailangan nyang mag salita.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...