DEANNA'S POV
Nanlamig ang buong katawan ko. Daig pa nito ang nabuhaausan ng isang timbang yelo.
Napatayo rin ako sa tabi ng kama ni Jema.
Nakatayo lang sa harap namin ang Tatay ni Jema. Nakasalubong ang mga kilay nito. Sobrang talim din ng tingin nito sa akin.
Hinila nito ang isang upuan at lumapit sa akin.
"Upo!"- sabi nya sa akin.
Napa upo naman ako bigla.
"Sino ka nga ulit?"- Tanong nito.
"A-ako po si D-Deana Wong. Se-setter po ng Ateneo, Sir"- mautal utal kong sagot.
" Tatay naman, Tinatakot mo si Deanna e"- sabi ni Jema
"Natatakot ka ba?"- tanong ulit nito sa akin.
"Medyo po, sir"- sabi ko
"Tay naman e. Hayaan mo na si Deanna"- Jema
"Wag kang sumabat Jema. Purkit hindi kita pwedeng paluin. Manahimik ka jan!"- sabi nito. Lalo akong nanlamig pero nararamdaman kong pinag papawisan na ako.
"I -I Can explain, sir"-
"Hindi ko kailangan ng explanation mo. Pero gusto ko lang sabihin sa inyo na kung ano man ang maging desisyon nyo may mga kapalit yang consequences. Panindigan mo yan, Deanna. At ikaw Jema, nag usap na tayo tungkol dito, matagal na."- sabi ng tatay nito.
Nakikinig lang kami sa pangaral nito.
"I'm expecting na makausap ka next time, Deanna. Gusto kong makilala ka pa. "- turo nito sa akin.
"Yes, sir. "- sagot ko
"Maiwan ko muna kayo, magbabayad pa ako para makauwi na tayo"
Palabas na sana ang Tatay ni Jema pero nag salita ulit ito at tumingin sa akin.
"Ayokong nakikitang nasasaktan ang anak ko, Deanna. Panindigan mo yan!"- sabi nito.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko
"Yes po, Sir!"- sagot ko.
Nang makalabas ito ay napaupo ulit ako at napabuntong hininga.
"Pasensya na at nagisa ka ni Tatay hehe"- sabi ni Jema.
"Okey lang. Naiintindihan ko"- hinawakan ni Jema ang kamay ko.
"Wag kang matatakot sa kanya, ganun lang talaga yun"- napansin kong malamig rin ang kamay nito.
"Eh bakit malamig yang kamay mo?"- tanong ko rito.
"Eh takot din ako e"- sabi nito.
Bigla namang pumasok ang kapatid ni Jema na si Mafe.
"Narinig ko 'yun! Nakakatakot si Tatay di ba Ate Deanna? Umamin na kasi kayo"- tumabi ito sa kabilang side ni Jema para mang asar.
Hinablot naman ito ni Jema at hinawakan sa tenga.
"Aray! Ate!" Sigaw nito.
"Kung hindi lang ako nakaratay dito napauwi ka na sa laguna, Mafe"- sabi ni Jema.
Masaya lang akong pinagmamasdan sila nang pumasok naman sila Ate Ly na may dalang mga pagkain. Inilagay nila ito sa lamesa.
"Oh Deanna, bakit parang namumutla at pawis na pawis ka ata"- Ate Maddie
Nag punas naman ako ng pawis sa noo.
"Hoy Deanna huh! Saglit lang kaming nawala naka score ka na agad. Ginawa mo na siguro yung tinuro ko sayong monjfftjkpigd-" hindi natuloy ni Ate Bea ang sasabin nya dahil sinalaksakan ito ni Ate Jho ng tinapay sa bibig.

BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...