89

3.4K 123 71
                                    

DEANNA'S POV

"Deanns, you need to know something"- Sabi sa akin ni Ate Bei habang hila- hila ako nito palabas ng Arena.

Katatapos lang ng Finals Game 2 namin VS Adamson nang bigla akong ayain ni Ate Bea sa labas.

"Anong ginagawa natin dito sa parking?"- Hindi ako nito pinansin.

"Bea! Let's go!"- may biglang van na huminto sa harap namin.

Nabigla nalang ako na nasa loob na si Ate Jho, Ate Madz, Ponggay, Ate Jia at Ate Ly.

Wala na akong nagawa kundi sumakay dito.

"Hey. Are we going to celebrate na? Bakit Hindi pa Tayo sumabay sa mga team mates natin?"- tanong ko sa mga Ito.

Pero parang sobrang seryoso ng mga mukha nila.

"Saan ba Tayo pupunta?"- tanong ko ulit.

"Ayun sila Chiara!"- May itinuro si Ate Jia sa labas.

Agad na huminto yung sasakyan sa tapat ni Chiara at Ponce.

Katulad ko pare-pareho silang mga naka jersey pa.

Hindi na namin nakuha pa mag shower at mag palit.

"Teka lang. Naguguluhan na ako!"- sigaw ko sakanila.

"Kailangan natin bilisan."- Chiara.

Kinalma ko ang sarili ko.

Sobrang tahimik sa loob Ng sasakyan.

"We're here."- Ate Ly.

Agad kaming nag babaan Ng sasakyan.

Napahinto ako nung makita kung nasaan kami.

"Anong ginagawa natin dito sa hospital?!"- biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa kaba.

Hinila lang ako ni Ate Jia.

Tumakbo naman papasok si Chiara at Ponce na sinundan namin.

Pero nang makapasok kami sa isang private room ng hospital.

Wala ng tao rito.
Kama nalang.

Nakita kong napaluhod si Chiara.

"Hindi Tayo umabot"- umiiyak na Sabi nito.

"Wait. Ano bang ginagawa natin dito?"- tanong ko.

Hindi ko Alam pero sobrang Kinakabahan ako.

"Nurse. Wait. Nasaan na yung pasyente dito?" -tanong agad ni Ponggay sa dalawang nurse na napadaan sa room.

"Ahh. Si Ms. Galanza po ba? Wala na po sya."- Sabi lang nito.

Agad naman syang siniko ng kasama nya.

"Yes. Jessica Galanza. Friends nya kami. Paanong Wala na? Wala na umalis na or Wala na as in Wala na?"- Ponce.

Biglang may kung anong malamig na sumaboy sa katawan ko.

Nabibingi ba ako o tama Yung rinig ko na pangalan ni Jema yung binabanggit nila?

"Sorry po. Pero Hindi po kami pwedeng mag bigay ng impormasyon tungkol sa pasyente. Halika na nga. Tara na. Mapapagalitan pa tayo e."- hinila agad nito ang kasama nyang Nurse at saka mabilis na nag lakad palayo sa amin.

"Wait. Are you all saying na si Jema ang nasa room na 'to?"- ako

Walang nag sasalita.
Lahat sila nakatingin lang sa sahig.

"Sagutin nyo ako!"- Hindi ko Alam Kung anong mararamdaman ko.

"Oo, Deanna. After ng game natin last week. Naaksidente sya"- Chiara.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon