50

5.1K 147 15
                                    

JEMA'S POV

Ipinagluto ko si Bea ng makakain nya bago umalis sa condo nya.

Nakatulog ulit ito. Masakit daw ang ulo.

Hindi na ako nakapag paalam pero nag iwan ako ng note nito sa noo nya. HAHAHA. oo. sa noo nya.

Nag drive ako pauwi ng dorm.

Pag pasok ko bumungad agad sa akin ang parang nanay kong si Chiara.

"Hoy, ikaw. wala ka na talagang ginawa kundi pag alalahin kami. Susme naman, Jema! Hindi ka man lang nag sabi. Alam mo bang walang natulog sa aming lahat. Ayan tignan mo si Ponce! Tignan mo ang mukha nyan. Ngayon lang yan naka idlip kahihintay sayo! Yung jowa mo muntik na umuwi dito. Aba. Mag e-enjoy sana tayo sa bar kaso ixksdkvpglylss"

Tinakpan ko ang bibig ni Chiara.

"Bes. Sorry na. Love you. "- Pinantakip ko ang kamay ko sa bibig nya at hinalikan ang nagwawalang kaibigan ko sa pisngi nya. Pagaganahin ko nalang ang pagiging sweet ko. HAHAHAHA.

Inalayo ni Chiara ang mukha ko sakanya.

"Hindi mo ko madadaan jan. Lumayo layo ka sa akin"- Chiara.

"Ang sarap ata ng unli fried chicken ngayon. Sakto di pa ako kumakain. Sino kayang pwede kong ilibre?"- sabi ko habang naglalakad lakad sa loob ng kwarto namin.

Umirap naman ito sa akin.

"Wala atang gustong sumama sa akin. Sayang libre ko pa naman"- ako.

"Bes. Yung cellphone mo pala oh. Dami na kasing tawag ni Deanna jan. Tara. Nagugutom ako e"- Chiara.

Tawang tawa naman ako kay Chiara.

"Sama ako"- bigla namang napatayo si Ponce sa higaan nito.

"HAHAHAHAA. ewan ko sa inyo. Buti nalang mahal ko kayo"- sabi ko.

Lumabas naman kami agad at nagpunta sa dati naming kainan.

Naalala ko itong lugar na ito.

Dito kami madalas kumain ni Fhen.

Dito ko unang napansin ang mga taga ateneo.

Ang daming ala-ala.

"Hoy. Kain na"- Chiara

"Uhhh. sige"- sabi ko.

Kumain lang kami at nag kwentuhan. Bumalik kami agad sa dorm. Pauwi na rin pala silang lahat sa mga bahay nila. Syempre ako rin. Plan ko talaga today umuwi ng Laguna.

Gumayak na ako. Nag ayos ng gamit.

Hanggang sa tumunog ang phone ko, tumatawag si Deanna. Shit. Nakalimutan ko na namang tawagan ang Baby ko.

Patay na naman ako.

"B. sorry na. Nag ayos ako ng gamit ko. Andito na ako sa dorm. Binalik na ni Chiara itong phone ko"- ako

"Ang sabi ko tawagan mo ko pag dating mo ng dorm nyo uh"- Patay. Galit na ata talaga.

"Sorry na Baby. Kasi di ba uuwi ako ngayon? Sorry"- ako

"Humanda ka talaga pag uwi ko jan"- Deanna

"anong gusto mong ihanda ko, Baby? "- Malagkit kong sabi. HAHAHAHA. ito nalang talaga ang paraan.

"Tssss"- Deanna.

"Baby, miss mo na ba ako? kasi ako namimiss na kita sobra" HAHAHAHAHA. Konti nalang.

"DEANNA! WAG KANG MANIWALA JAN KAY JEMA! GINAGAWA LANG NYA YAN PARA DI KA MAGALLCRLGLBOYLDSLSKRMRM"- tinalon ko si Chiara sa kama nya at tinakpan ang bibig nito

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon