VIII

7.5K 220 337
                                    

J’S POV

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakikita kong papalapit ito sa akin.

Umupo lang ito sa harap ko.

Nakikipag titigan lang sya sa akin like asking for my permission.

Nakakabingi ang sobrang katahimikan ng paligid.

Para akong napako sa kinauupuan ko dahil sa tingin nito.

Then unti unti itong lumapit.

“I’m sorry kanina. Can I kiss you?”- naging husky ang boses nito dahilan para ma blangko ang pandinig at isip ko.

Wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na kabog ng dibdib ko.

And then tinitigan lang ulit ako nito.

Nararamdaman ko ang paghinga nito dahil sa sobrang lapit namin sa isa’t isa.

Hanggang sa nakita ko nalang itong pumikit.

Papalapit sa akin.

Nanatili akong nakadilat.

Hanggang sa maramdaman kong maglapat ang mga labi namin.

“1”- sigaw nila.

Gusto ko sana syang itulak pero hindi ko magawa.

“2”
Kung tutuusin parang hindi rin nagdikit ang labi namin dahil sa mask

“3”
Pero bakit ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng mga labi nito.

“4”
Tuluyan kong ipinikit ang mga mata ko para mas maramdaman ko sya

“’5”
Agad kong nilayo ang mukha ko rito nang marinig ko ang huling bilang.

Napadilat ito after.

Nakatingin lang ito sa akin na parang may iniisip na malalim.

Minumura ko nalang ang sarili ko dahil hindi ko alam bakit akong pumayag na magpahalik dito.

“EHEM!”- nagulat ata si Deanna sa pag ubo ni Ate Jia.

“Thank you, Sorry”- sabi lang nito bago bumalik sa upuan nya.

Ramdam ko ang pag init ng mga pisngi ko.

“Thanks, J”- sabi lang ni Ate Jia.

Ngumiti lang ako rito na parang wala lang sa akin ang nangyari.

“Na- satisfy ba yung cravings mo, Deanns?”- tukso ni Bea kay Deanna.

Agad nitong inirapan si Bea.

Tapos tumingin sa akin at ngumiti.

Agad akong napabawi ng tingin dito.

Hindi naman ibig sabihin na nagpahalik ako dito e gusto ko na agad.

Na okey na ang lahat.

Nagpatuloy lang ang game.

So far nag e-enjoy naman ako sa tuksuhan ng buong team

Hanggang huminto ang music at napunta ang blue na bola sa akin,

Hinanap ko kung kaninong napunta ang yellow na bola.

“Hi, J”- Kaway ni Ate Ly sa akin habang hawak ang hinahanap kong bola.

Nag isip pa ito bago mag salita.

“Na- inlove ka na ba sa babae? If yes, kailan yung huli?”- Nakingiti lang ito sa akin.

Napunta naman lahat ng atensyon nila sa akin.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon