JEMA'S POV
Mabilis lumipas ang araw
at ito na ang pinakahihintay namin. Magsisimula na ang UAAP '79.
Kabilaan na rin ang guesting namin at ng mga players from other school sa mga tv and radio stations.
Syempre promoting volleyball and UAAP. Instant 'celebrity' ang mga katulad naming mga volleyball players.Kasalukuyan kaming nasa isang tv station ngayon kahit sabado para sa pictorials at interviews. Nakita na rin namin ang ilang mga teams na makakalaban ulit namin.
Kami na rin ang sumunod sa University of Sto Tomas.
"Jessica Margarett Galanza" tawag ng photographer.
Agad naman akong sumalang. di pa rin ako sanay sa ganito.
"Game face, jema" sabi ng photographer.
Di ko narinig ang sinasabi ni manong na may hawak ng camera dahil biglang pasok naman ng mga taga Ateneo.
Kapag talaga ateneo para akong dinadaga. Muka kasi silang mayayaman, magaganda sila, magagaling sila kaya minsan nakaka intimidate sila.
'HAY JEMA! COMPOSURE! DI PWEDENG GANITO SA GAME' sabi ko nalang sa sarili ko.
"HOY JEMA! GAME FACE DAW! " biglang sigaw ni Chiara.
"para kang tuod jan bes" habol ni ponce.
Nagtawanan naman ang mga team mates ko. Saglit kong iniwas ang tingin ko sa mga taga ateneo. Pero ramdam ko pa rin ang titig nila sa akin.
Pinakitaan ko nalang sila ng swabeng mga fierce looks sa harap ng camera.
"nice. nice. cute" narinig kong sabi ni Jia Morado from Ateneo. Kaya bigla akong napatingin na naman sakanila.
Nagtama kami ng tingin ng isa sa mga setter nila. Si wong. Deanna wong? basta Wong yun. Maingay ang pangalan nya sa sports. Tagapag mana raw ni Jia Morado sa team. Bukod dun, maraming nagkakagusto sakanya. swabe kasi sya mag laro. cool. pero medyo suplada. Madalas nga lang di nya pinapansin ang mga fans nya.
Unang bumitaw sa pagkakatitig si Wong at inirapan ako. Na parang nagsasabing 'who you?! '
Di ko nalang pinansin at tinuloy nalang ang pag awra sa harap ng camera para naman maganda ang itsura ko sa TV.
"Nice, Love. Ganda mo talaga" Bulong sa akin ni Fhen. Kilig. Kilig.
"Syempre naman. Maganda talaga ako" sagot ko sakanya at tinusok tusok ang tagiliran nya.
Napahinto ako nang may marinig ulit ako
"Sila ba? sayang naman" sa tingin ko galing ito sa ateneo. Sila lang naman kasama namin sa room.
"Yep. nakita ko yung artice na sila nga raw. Pero di ko sure. Kaya siguro ang sweet nila. Sabagay crush naman talaga si Jema" narinig kong sabi ni Bea De Leon.
Nakita ko rin na binatukan sya ni Jho Maraguinot.
"awtsss beh. sakit, puro hampas nalang sa ulo ko huhuhu" sabi ni Bea De Leon.
Napatingin naman sila sa akin nung nag ubo-ubuhan ako.
"Hi po. Gusto ko lang sabihin na naririnig ko po kayo " tsaka ako ngumiti at umalis na sa kwarto. Sumunod naman ang buong team ko.
"Ayos Jema! Dapat ginyan hanggang laro! " Nakipag high five naman sa akin si Ate Lyn.
"Yeah, Mananalo tayo captain! " nginitan ko ng sweet si ate.
Pabalik naman kami ngayon sa gym para sa isang meeting.

BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanficA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...