80

2.5K 80 3
                                    

DEANNA'S POV

February.

Lumabas na kami sa dugout.

Nag hiyawan naman ang mga tao sa court.

It's our first game sa UAAP.
Kalaban namin ang FEU.

Sabay naman kami na nag punta ni Jema dito.

Bukod sa gusto nya na maaga sya makarating dahil sila ang next game ay gusto rin daw nito na panuorin ako at ang game para mag observe.

Actually, everyday na kami mag kasama.
Para na nga kaming nag sasama e.

Halos every night sa condo sya natutulog. Umuuwi lang sya sa dorm kapag na mi-miss nya sila Chiara at pag kailangan na nasa dorm sya.

Simula rin nang bumalik Ito galing sa Laguna ay Parang biglang naging okey lahat.

Bumalik Yung pagiging makulit at pagiging suplada nya minsan.

Bumalik din Ang pagiging clingy nito.

Kanina nga bago pa ako makapasok ng dugout ay hinalikan pa ako nito.

Knowing na may ibang Tao sa paligid.

Napapangiti nalang ako habang nag wa-warm up. Ewan ko.

"HOY. Hindi ka ba nakikinig. Set ka na!"- binato ako ni Ate Bei ng bola mabuti nalang nasalo ko ang bola bago Ito tumama sa akin.

"Siraulo ka talaga Ate Bei, uh"- sabay bato ko sakanya pabalik yung bola. Pero Hindi ko sinasadyang matamaan Ito sa mukha.

"Uh. Gumaganti ka pa uh"- agad naman akong tumakbo pagkasabi ni Ate Bei nun. Lagot ako rito.

Nag takbuhan kami ni Ate Bei sa court.

"Humanda ka sa akin kapag nahuli Kita"- sigaw nito sa akin.

Humarap naman ako rito habang tumatakbo patalikod para mag make face. 🤪😜😛

"Ate Jhoooo. Si Ate Bei oh!"- sumbong ko Kay ate Jho habang tumatakbo.

Napalingon naman si Ate Jho sa akin

"Deanns! Sa harap mo!"- sigaw nito Kaya bigla akong humarap.

"Aray!"- sabay na sigaw namin ng nakabungguan ko.

Napahiga ako at napahawak sa ulo ko.

Sakit.

Agad naman akong tumayo para tignan ang nakabungguan ko.

"Uy, you alright?"- inabot ko ang kamay ko rito tsaka ko sya tinulungan na tumayo.

"Okey lang"- ngiti ni Celine sa akin.

"Sorry uh"- ako

"Hehe. No need. Okey lang"- nakangiting Sabi nito.

"Ikawww. Tignan mo nga nakadisgrasya ka pa. Sige Celine pasensya na"- ipinaikot ni Ate Bei ang braso nito sa leeg ko tsaka ako nito hinila.

"Ano ba kayong dalawa! Kapag Hindi kayo nagtino pauuwiin ko talaga kayo"- Ate Jho

"Ang kulit Kasi nitong si Deanna e"-Ate Bei

"Ikaw nauna ate uh"- ako

"At sumasagot ka pa"- Ate Bei

Nag peace sign naman ako rito.

Nanguha ng bola si Ate Bei at inabot sa akin.

"Mag set ka na. Tsaka kanina ka pa tinitignan ng asawa mo"- Bulong ni Ate Bei.

Lumingon naman ako sa paligid pero Wala namang Jema.

Tawang tawa naman si Ate Bei sa akin.
Kahit kailan talaga.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon