61

4K 99 0
                                    

JEMA'S POV

Napabagon ako bigla dahil wala na palang Deanna sa tabi ko.

"B. Asan ka?"- Sabi ko habang iniikot ko ang condo nito. Pero walang Deanna.

Nagpunta ako sa sala nito at sakto namang bumukas ang pinto ng condo.

"B. Saan ka galing?"- tanong ko agad dito.

Pero hindi sya kumibo. Nilapitan lang nya ako at niyakap.

"Uy. Bakit? Saan ka ba nagpunta at naka jacket at cap ka pa?" tanong ko rito.

"I love you"- sabi lang nya sa akin.

Alam kong may nangyari. Pero hahayaan ko nalang muna.

Umalis ito sa pagkakayakap sa akin. Tinanggal nito ang cap nya at hinila ako sa kwarto.

"Mahiga na tayo, B"- sabi nya lang sa akin.

Tumango naman ako at humiga sa kama.

Tumabi sya sa akin.

Humarap ako sakanya. Pero nakatingin lang ito sa kisame.

"May problema ba? "- tanong ko.

Hindi ito kumibo.

"Kung ayaw mong sabihin o-" hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Si Ricci. Nagkita kami"- sabi nito habang nakatingin pa rin sa kisame.

May konting kirot akong naramdaman.

Humarap naman ito sa akin.

"Sabi nya. Hindi pa raw sya nakaka get over sa akin"- kwento nya.

"Tinatanong nya kung meron na bang iba..."

Gusto kong marining ang sagot nya.

"Pero hindi ko masagot na meron ka na"- sabi nito.

Nasaktan ako.

Pero hindi pwede. Kasi nagkasundo na kami na sa amin na muna ang relasyong ito.

"Ano ka ba? Okey lang."- ako

"Salamat"- sabi nito sabay yakap sa akin.

Niyakap ko rin sya at isinubsub ang ulo ko sa dibdib nya.

Pero nagpapasalamat na rin ako dahil hindi nya tinago sa akin na nagkita sila ni Ricci.

Pero parang may kaba, sakit, selos akong nararamdaman.

Jema. Maniwala kang ikaw lang.

Kung ano-ano na naman ang iniisip ko.

Hay! Jema! Kalma!

Walang kumikibo sa aming dalawa.

Nakayakap lang ito sa akin.

Niyakap ko lang din sya.

Nag stay kami sa ganun na posisyon hanggang makatulog kami.

......

Mabilis lumipas ang araw. Hanggang dumating yung photoshoot namin para sa next season.

Lahat ng team may photoshoot today. After ng rehersal sa ASAP kasama ang mga team captain ng ibang team ay nagpunta agad kami sa photoshoot.

Mabuti nalang at magsisimula pa lang. Lahat ng teams ay kumpleto na.

"Hi, Jema. Kamusta? "- bungad sa akin ni Maddie.

Naki beso naman ako nung makita ko ang mga taga Ateneo.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon