46

5.5K 165 27
                                    

JEMA'S POV

Nag punta agad kami nila Chiara at Ponce sa sinabing place ni Deanna.

Hindi naman pala ito malayo sa amin.

Pag park ay lumabas agad kami at pumasok sa restaurant.

Napansin agad namin kung saan naka upo sila Deanna. Mga naka blue e. Halatang halata na mga taga ateneo.

Pero someone caught my atention.
May katabi si Deanna. Likod palang kilala ko na.

"Oh! hi, Jema"- Tumayo si Ate Ly at naki beso sa amin.

Parang kinabahan ako bigla. Ito yung unang araw na makakasama ko sila bilang girlfriend ni Deanna.

Isa-isa namin silang niyakap at bineso.

"Hi, Jema. "- Celine.

Bakit ba andito ito? Parang wala naman sa usapan na may taga FEU na dadating uh.

"Hello"- nginitian ko nalang din sya.

Naupo naman si Chiara at Ponce sa bandang dulo ng lamesa.

Tumayo si Deanna. Humila ito ng upuan sa tabi nya. Ayoko sanang tumabi sa kanya e. So bale pinagigitnaan namin sya ni Celine. Happy ka, Deanna?

"Kamusta, Jema? "- Ate Ly

"Ito. Okey naman na. Medyo marami lang hinahabol na requirements pero kaya naman"- sabi ko.

"Sus. Yan pa. Parang di ka naman naghahabol e. Ang tataas kaya ng mga scores mo sa exam"- Chiara

"Yang si Jema minsan ang sarap hambalusin e. Katataas na ng grade tapos nakakapaglandi pa"- Ponce.

"Huy. ang ingay mo. Dapat talaga di ko na kayo sinama e"- pagbibiro ko.

"Sino namang nilalandi mo? Jema "- Patay malisyang tanong ni Ate Jia.

Napatingin ako bigla kay Deanna.

"Parang di nyo alam. Ewan ko sa inyo"- sabi ko nalang.

"Sige na. Gusto namin manggaling sayo yung pangalan"- Ponggay

Feeling ko namumula na ako sa hiya.

Nanguha naman ng tisyu si Deanna at ibinato ito kay Ponggay.

"Affected ka Deanna? Ikaw ba yun? '- Jho. Nagtawanan naman sila.

Tinignan ako ni Deanna. Parang asking if sasabihin na ba nya or hindi.

Magsasalita na sana ako nang marinig kong magsalita si Celine.

"Oww. May boyfriend ka na Jema? Good to hear that uh. Sino? "- Tanong ni Celine.

Natahimik bigla ang lahat. Tanga ba sya para hindi mahalata o manhid lang talaga sya?

"Alam mo kung sino, Deanna? curious ako uh. "- sabay hawak nito sa braso ni Deanna.

Kung kanina nag aapoy ang pisngi ko ngayon umakyat na ito sa ulo ko.

Medyo naiilang na tumingin sa akin si Deanna.

"Alam nyo. Tama na muna yan. Let's eat muna"- Ate Ly

Napansin ata ni Ate Ly na naging awkward ang paligid. Bakit kasi andito itong si Celine. Invited ba sya?

Kasalukuyan kaming kumakain.

"Salamat pala sa libreng dinner uh kahit napadaan lang"- Celine

"It's okey. Minsan lang naman e"- Maddie

"Malapit na matapos ang sem.  Ano pala ang plan nyo? Maglalaro ba kayo this summer? "-Celine

"Me and Jia will play sa pro League pero namimili pa kami ng team na sasalihan. "- Ate Ly

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon