JEMA'S POV
Pinuntahan ko na agad si Cy sa labas.
"Tara na? " naka ngiti kong sabi rito.
"Oh, anong nangyari sa'yo at ngingiti ngiti ka jan? " -Cy.
"Wala. Thankful lang ako dahil may mga kaibigan akong tulad mo"- sabi ko.
Tinulak naman ako nito.
"korny mo, tara na nga. Kain tayo. Gutom na ako"- sabi ko rito.
Hinila na ako nito palabas.
Nakita ko naman na nagsimula na ang laro ng ateneo.
Napatingin ako saglit sakanila.
Nagtama naman ang tingin namin ni Jia Morado.
Ngumiti ito at nginitian ko rin.
Umalis na kami ni Cy.
Nagpunta kami sa isang resto bar.
Maaga pa naman at pwede pa kaming magtagal dito.Naalala ko naman si Ponce at Chiarra. Patay. Hindi ko na naman sila sinama.
"Cy, can I call ponce and chiarra to join us? Matagal ko na silang di nakaka bonding e"
Ngumiti lang naman si Cy at nagsabi ng "go"
Agad kong tinawagan ang dalawa. Sakto namang paalis palang daw sana ang bus ng adamson.
Hindi nagtagal dumating din sila.
"Buti naman pinasunod mo kami rito"sabi nilang dalawa.
"Sorry na. Nagmadali kasi kaming umalis ni Cy e"- sagot ko
"Basta busugin mo kami ngayon" - Chiarra.
"Sure! Basta para sa mga kaibigan ni Jema! " Sabi ni Cy.
"Yes naman! nagpapalakas ka sa amin no? "- Chiarra.
Siniko ko naman agad si Chiarra.
"Joke! salamat bro! " sabi nalang ni Chiarra.
Umorder na kami.
Nag bukas naman ako cellphone.
Laro ng ateneo.
Nanuod ako ng live sa phone.
"Uy, sino lamang? "- ponce
"Ateneo, second set na"- ako
"Mananalo na yan"- chiarra
"Sayang, kung nanalo lang tayo mas may advantage sana tayo sakanila"- sabi ko
"Bes! okey lang yun! Ikaw talaga"- chiarra.
"Pagsabihan nyo yang kaibigan nyo, feeling nya kasi sya ang nagpatalo"- Cy.
"Hay! Nakakainis kasi yung Fhen na yun e. Kitilin ko talaga yun"- Ponce
"Ano namang kinalaman nya? Please lang guys, ayokong naririnig ang pangalan nya" sabi ko sakanila.
Tinuloy ko nalang ang panunuod. Time out na.
Nakatutok ang camera sa ateneo.
Hanggang sa may napansin ako.
Yung tumbler na inuminan nila!
Katulad nung ibinigay sa akin!
So taga ateneo ang nag bigay?
Sa dami nila jan. Masakit sa ulo para hulaan.Pero deep inside. May isang tao akong naisip.
Na sana, sana lang, siya ang may bigay.
HOY JEMA. TIGIL!
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...