JEMA'S POV
Diretso lang ang training namin sa Thailand.
Wala pa rin kaming time para makapag libot man lang saglit.
Gym and Hotel lang ang napupuntahan namin everyday.
Ilang araw na rin ang lumipas. Pero pakiramdam ko may isang buwan na kami dito sa Thailand.
Mabuti pa yung UP Basketball team puro gala lang tapos malapit na rin sila umuwi.
Kami naman ni Deanna panay lang ang video call.
Pero nag paalam si Deanna ngayong weekend. Nasa Cebu sya para daw sa business nila. Mukhang tinetrain sya ng daddy nya para i handle ang business nila. So limited nalang din ang communication namin dahil nagiging busy sya kapag umuuwi sya ng Cebu. Kapag naman nasa Ateneo sya Training at School works naman sya. Knowing Deanna. Gusto lagi maganda grades nya.
Wala naman akong magawa lalo ngayon na sobrang miss ko na sya.
Katatapos lang ng training namin today. Then kasalukuyan kaming nag mi-meeting nila coach.
"Since tomorrow is Saturday, You can have your whole day tomorrow then we will be back at our training on Monday. Got it? " Coach Air.
Tuwang tuwa naman ang mga ka team mates ko.
"You can do whatever you want. Just be safe. "- Coach Air.
Nag hiyawan naman kami dahil sa wakas makakapag libot kami ng dalawang araw.
Pero bigla akong nalungkot. Naalala ko na naman si Deanna.
Namimiss ko na sya.
Agad kaming nagpahinga at nag shower sa kanya kanya naming room after kaming kausapin ni Coach Air.
Kasalukuyan akong nakahiga at paikot ikot sa kama, naghihintay ng tawag ni Deanna o sagot man lang sa chat.
Hanggang makaramdam ako ng bagay na tumama sa ulo ko.
Binato pala ako ni Chiara ng remote ng TV.
"Aray naman. Ano ba? "- sabi ko kay Chiara sabay himas sa ulo ko.
"Ang likot mo kasi bes. Nakakahilo ka na. Problema mo ba? "- Chiara.
Napaupo naman ako sa hinihigaan ko.
"Wala. Nababagot lang ako"- Sagot ko
"Sus. Namiss mo lang si Deanna e"- Chiara.
Bigla na naman akong nalungkot.
"Oo bes. Sobra. Ang hirap palang maging OFW"- ako
Tinawanan naman ako ng kaibigan ko.
"Jusko Bes! Ilang araw palang kayo nagkakalayo."- Chiara
"Hindi mo alam ang nararamdaman ko kasi wala kang jowa. "- ako
"May jowa na ako"- seryosong sabi ni Chiara.
"Nasaan? "-tanong ko rito.
"Gusto mo puntahan natin? "- Chiara
"Saan? " - bagot na tanong ko rito kasi nonsense lang din naman talaga itong si Chiara.
Tumayo naman bigla si Chiara.
"G? "- Chiara sabay hila nito sa akin dahilan para mapatayo ako.
Itinulak tulak ako nito para magbihis. Since wala naman akong gagawin, sasamahan ko nalang sya.
Nang makagayak kami ay lumabas na kami ng kwarto.
Naglakad lakad kami sa hotel.
Hanggang makarating kami ni Chiara sa Bar ng hotel.

BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...