JEMA'S POV
Wednesday.
Kasalukuyan kaming nasa dugout.
It's our game #6.
Wala pa kaming talo and guess what kung sinong kalaban namin today?
FEU.
Nasa isang gilid lang ako.
Nag iisip.
Nag fo-focus
habang may hawak na bola.
Alam ko na kailangan kong ipatalo itong game namin.
Napapikit ako.
Hanggang tawagin na kami para mag warm up.Bago mag start ang game ay pinatawag pa kami ni Celine para sa toss coin at konting reminders.
Babalik na sana ako sa team mates ko pero narinig kong tinawag ako ni Celine.
"Jema. Good luck"- pekeng ngiti.
"Sure. Good luck din"- Sabi ko rito sabay talikod.
"Ingat ka"- sigaw pa nito.
Pero hindi ko na sya pinansin pa.
Ayaw ko sa lahat nakikipag plastikan 🙃
Nag simula na ang set 1.
Nung una okey pa.
Maganda pa ang nilalaro ko.
20-18 ang score in favor sa team namin.
Pansin ko naman na everytime na nagkakaharap kami sa net ni Celine ay inaangasan ako nito.
Inirapan pa ako nito nung minsang ma- block nya ako.
Akala mo naman sampung beses nya akong na-block.
E isang beses lang naman. Tsamba pa 🤭
Nang si Celine na ang mag se-serve ay nag tama ang tingin namin nito.
Tinignan ako nito na parang nag hahanap ng away.
Tsaka ako nginitian na parang nang aasar.
Kaya nag kunot nuo nalang ako dito.
Pero bago nya paluin ang bola she mouthed something to me.
"TWO MONTHS"- basang basa ko sa labi nya iyon at Hindi ako pwedeng magkamali.
Biglang bumalik sa isip ko yung deal.
Hanggang laking gulat ko nalang na tumama na pala sa akin yung bola.
20-19 Ang score.
Nag patawag ng time out si Coach.
Nabulyawan ako nito.
Naka tatlong service aces si Celine sa akin.
Bigla akong nawalan ng receive.
20-21 in favor na sa FEU ang score.
"Jema! What are you doing?!"- Coach
"Sorry, Coach. Bawi ako"- ako
"NO! Practice your receive and focus!"- Coach.
Tapos sinub out ako ni Coach after ng time out nya.
Pinapunta naman ako nito sa gilid para mag practice doon gamit ang pader.
Ganun ulit ang nangyari sa 2nd Set.
Natapos ang dalawang set na talo kami.
Naglalakad na ako papunta sa kabilang bench nang magkasalubong kami ni Celine.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanficA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...