VI

3K 130 59
                                    

J’S POV

“J. Please. H’wag na natin pagtalunan ‘to”-Cy

Kasalukuyan kami na nasa loob ng condo ni Cy at kanina pa rin ako nito pinipilit na sumama sa 3 days na team building 2.0 daw ng Creamline.

“Hindi ba nag team building na sila? Bakit uulitin pa ulit?”- Ako habang naka upo sa sofa. .

“Nag promise ka na babawi ka sakanila hindi ba?”- Cy

“Pwede naman na mag training nalang kami”- Ako

Napahawak naman si Cy sa ulo nito.

“J. Alam mo kung gaano kahalaga na kahit papaano mapalapit yung loob nyo sa isa’t isa”- Cy.

“Cy. Kahit anong mangyari hindi na lalapit ulit yung loob ko sakanila”- Ako

“Okey, I know. Pero atleast kahit papaano mag cool down muna kayo nila Deanna. Para kayong aso at pusa e.”- medyo hininaan nito ang boses nya ng banggitin nito ang pangalan ni Deanna.

Inirapan ko lang ito.

“Wait. H’wag mong sabihin na sobrang affected ka pa rin kay Deanna kaya ayaw mong sumama”- Cy

“Baliw ka na ba? Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo”- ako

“Hindi ka pwedeng mag sinungaling sa akin. Siguro may nararam-“- hindi ko na pinatapos si Cy sa mga sinabi nito.

Dumiretso na ako sa kwarto at nanguha ng maleta para mag ayos ng gamit.

Sinundan naman ako nito.

“Masaya ka na? Sige na sasama na ako. Pero ngayon lang!”- sabi ko rito habang padabog na nag lalabas ng gamit sa drawer ko.

Naramdaman ko naman ang pag yakap nito mula sa likod ko.

“Thank you. Alam kong mahirap sa’yo ‘to. Pero ilang buwan lang naman.”- sabi nito.

Pinalo ko naman ang hanger na hawak ko sa ulo nito.

“Tsansing ka boy uh”- ako

“Kilig ka naman”- Cy

“Cy. Sinabi ko naman sayo na hindi pa ako handa na-“tinakpan lang nito ang labi ko.

“J. Hayaan mo lang ako. Wala akong hinihingi na kapalit”- sabi nito sa akin.

Tsaka ito pumwesto sa tabi ng maleta ko para tulungan akong mag ayos ng mga gamit ko.

Napailing nalang ako sa ginawa nito.

---

Kinabukasan maaga akong hinatid ni Cy sa gym ng Creamline.

Marami na rin silang nasa loob nito.

Nung una nag tatawanan pa sila pero nang makita nila kami ni Cy na pumasok ay nahinto nalang sila bigla.

Ewan ko ba.

Pero nakaramdam ako ng konting hiya sakanila matapos naming mag away ni Deanna sa harap nila.

Lumapit naman kami ni Cy kay Ate Ly.

“Iwan ko na muna si J sa inyo. Kayo na muna ang bahala”- sabi nito kanila Ate Ly at Ate Jia.

Tumango at ngumiti lang sila bilang tugon kay Cy.

Hindi ko alam kung kaya ko na tatlong araw na wala sa tabi ko si Cy.

“J. Yung mask mo lagi mong dadalin. Mag iingat palagi”- hinalikan ako nito sa pisngi bago ito umalis.

Naiwan naman akong nasa harapan pa rin nila Ate Ly.

“Ate- I mean, Coach. Sorry”- Nakayuko lang ako sa harap ng mga ‘to.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon