DEANNA'S POV
Maaga akong nakarating sa BEG para sa morning training namin.
Medyo puyat pa ako dahil sa paghatid ko kay Jema kaninang madaling araw.
Mamaya lang nasa Thailand na rin sila.
Nalulungkot ako. 2 long weeks kong di makakasama ang Jema ko.
"Hoy. Mukhang malalim ang iniisip uh"- Ate Maddie.
Hindi ko namalayan na dumating na pala ang mga ate ko dahil sa kakaisip kay Jema.
"Naku, Ate Maddie. Yung isip nyan nandun sa Thailand"- Ponggay.
Binato ko naman agad ng bola si Ponggay.
Ang aga aga ako na naman ang napansin.
"Okey lang yan, Deanns. Para naman ma miss nyo ang isa't isa"- Ate Jho
Lumapit naman sa amin si Ate Bea sabay akbay kay Ate Jho.
"Bebe. Inggitin natin si Deanna. Pa kiss nga"- Sabay lapit nito sa pisngi ni Ate Jho pero bago pa man ito makanakaw ng halik ay sinalubong ni Ate Jho ng palad nya ang mukha ni Ate Bea.
"Bastos ka talaga. Halika na. Training na. Baka nakakalimutan mong Captain ka namin"- sabay hila kay Ate Bea na parang bata.
Napailing nalang ako sa mga team mates ko. Ewan ko ba sa mga ito.
Itinuon ko nalang ang buong atensyon ko sa training namin.
Matapos ang morning training ay naligo agad ako at nagpalit dahil may kasunod pa akong klase.
Hindi ko na nagawa pang makatawag o ma check man lang ang phone ko dahil sa pagmamadali.
I'll call Jema nalang later.
JEMA'S POV
Pagdating namin sa Thailand ay dumiretso agad kami sa Hotel na tutuluyan namin.
Katulad ng nakagawian, ka room ko si Chiara.
Dalawang tao lang sa isang room kaya nalipat ng ibang room si Ponce. Sayang naman.
Nag check rin ako at nag chat kay Deanna para ipaalam na nakarating na kami.
Ilang oras din ako naghintay at wala ni isang reply si Deanna.
Namimiss ko na agad ang amoy nya, ang halik nya at ang prisensya nya. Gusto ko na atang umuwi.
Maya maya lang ay tinawag na kami ni Coach para kumain.
Pinuntahan ko na rin ang mga team mates ko sa ibang room para masabihan.
Nang makumpleto kami ay dumiretso na kami sa restaurant ng Hotel.
"Uy, Kamusta? Tahimik ka ata"- Narinig kong tanong sa akin ni Fhen.
Sinasabayan ako nitong maglakad.Hindi ko na sya napansin dahil sa pag che-check ko ng phone kung nag reply na ba si Deanna.
"Ah eh. Pagod lang siguro"- Sagot ko kay Fhen habang nakatingin sa phone.
"Mukhang hindi ka mahiwalay jan sa cellphone mo uh"- Fhen
"huh? "- tanong ko ulit dito dahil kasalukuyan kong tinatadtad ng sa chat si Deanna.
Naiinis na ako. Ilang oras na ang nakalilipas pero hindi pa rin ito nagpaparamdam. 😑😑😑
"Iwan na muna kita, Jema. Mukhang abala ka jan e. Mag ingat ka lang at baka may mabunggo ka"- Fhen.
Hindi ko na sinagot pa si Fhen.
Naiinis na kasi ako ng sobra.
Kaya tinadtad ko ulit si Deanna ng chat.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...