67

4.9K 111 11
                                    

JEMA'S POV

Nang matapos ang pag uusap namin ni Deanna ay agad na rin akong tumayo.

Bigla akong nakaramdam ng antok at pagod. Chineck ko ang oras at 10:00 PM palang pala.

Naglakad na ako palabas ng pool area. 

Pero bigla akong napahinto nang makita ko na naman si Ricci.

Palakad lakad ito habang nakatingin lang sa phone. 

Naglakad ako patungo rito.

"ay, sorry! " biglang sabi nito kahit sinadya ko naman talaga syang bungguin.

Sabay kaming napa yuko para kunin ang phone nya. Pero nauna kong mahawakan ang phone nito. 

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo.  Baka hindi ka lang mabunggo, mahulog ka pa"- sabi ko rito sabay abot ng phone nya.

Then nginitian ko ito at naglakad na ako palayo rito.

"Jema, wait"- sigaw ni Ricci.

Bigla naman akong napatalikod para harapin sya.

Itinaas nito ang kamay nya na may phone .

"Okey lang mahulog basta pupulutin mo"- Sabay ngiti nito sa akin.

"Good night! "- Sigaw pa ulit nito sabay takbo palayo.

Naglakad naman ako papuntang elevator.

"Akitin mo.  Para mabaling ang atensyon nya sayo at tumigil na sya kay Deanna"- bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Ced last time.

Hay Jema! Kung ano-anong iniisip mo.

Pero pag iisipan ko.

Hindi ko alam.

Bahala na. 

Basta para sa amin ni Deanna.

Nang magbukas ang elevator ay pumasok na ako rito at nagtungo na sa kwarto namin.

Nahiga ako agad.

Tulog na Jema.

Wag mo na munang isipin yun. 

Bukas na. 

Hanggang tuluyan na akong makatulog.

DEANNA'S POV

Maaga akong nagising para sa morning training namin.

Nag laan ako ng ilang minuto para mag bukas ng messenger.

"B. Good morning. Will go na sa BEG. Ingat ka jan. I love you and I miss you" - chat ko rito.

After ko makagayak ay nag drive na ako papunta ng school.

Halos kumpleto na kami nang makarating ako sa BEG. 

"Good morning, Deans!" -Ponggay

"Magandang umaga, Deanna! "- Ate Bea sabay akbay sa akin.

"Good morning, Deanna! "- Bigla akong napalingon sa nag salita.

"Ate Jia?! "- Napatakbo ako papunta sakanya sabay alis ng braso ni Ate Bea sa balikat ko.

"What are you doing here?"- Ako na nakaakap kay Ate Jia

"Uhm. Will just help sa training nyo. "- Ate Jia.

Bigla naman may humila sa likod ko.

"Tama na yan. Magbihis ka na bata ka."- Ate Bea sabay irap sa akin nito.

"Lagot ka"- sabi sa akin ni Ate Maddie.

Nagkibit balikat naman si Ate Jia sa akin.

Matapos kong makapag bihis ay nag simula na kaming mag training.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon