88

2.8K 103 61
                                    

DEANNA'S POV

Katatapos lang ng game 1 namin VS Adamson.

Tatlong set lang tapos na agad ang Laban.

Panalo kami.

"Bakit wala si Jema?"- tanong ni Ponggay habang nag aayos kami Ng mga gamit namin sa dugout.

Hindi kasi nag laro si Jema sa game namin ngayon.

Nakita ko naman na siniko sya ni Ate Madz.

"You okey, Deanns?"- Ate Jho.

"Yes, Ate. And Okey lang na pag usapan nyo sya kahit naka harap ako."- cold na sabi ko sakanila

"Bakit kaya Hindi nag laro si Jema? Finals pa naman"- Ate Bei. Pinanlakihan naman sya ng Mata ni Ate Jho.

"Sabi naman nya uh na okey lang pag usapan si Jema sa harap nya"- Ate Bei.

Napailing nalang si Ate Jho.

"Hindi ko pa rin matanggap yung mga pictures nya. Ang sakit"- Ponggay.

"Minahal mo naman sya ng totoo Hindi ba?"- Ate Madz.

Hindi ko nalang sila pinansin.

"Ate Bei. Una na ako."- Sabi ko sa mga ito tsaka ako lumabas ng dugout dala ang bag ko.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa parking ng may madaanan akong dalawang babae na nag uusap.

Hindi nila ako napansin dahil nakatalikod sila sa akin.

"Mabuti nalang wala si Jema. Kawawa naman si Deanna sa ginawa nya"

"Kaya nga e. Mabuti nga at mawala na Yun. Idol ko pa naman sya dati kaso Kung sino-sino palang nilalandi"

Sa sobrang inis ko ay Nilapitan ko sila.

Tinadyakan ko yung basurahan na nasa tabi nila.

Gulat na gulat ang mga ito nung makita nila ako.

Sinamaan ko lang sila ng tingin tsaka umalis.

Dumiretso ako sa parking at sumakay ng sasakyan.

Gusto ko na lang magpahinga kaya mabilis akong nag drive pauwi.

Napahinto pa ako nang makarating ako sa harap ng pinto ng condo ko.

Nandun si Jema.

Nakaupo ito sa gilid ng pinto.

Nakadukdok ang ulo nito sa mga braso nya na nakapatong sa tuhod.

Hindi ko sya pinansin.

"Deanna"- Sabi nito sabay tayo.

Pumasok ako agad sa loob. Hinayaan ko naman na bukas ang pinto.

Mabuti na rin na makapag usap kami ni Jema.

Naupo ako sa sofa.

"Anong kailangan mo?"- tanong ko agad dito.

"Deanna. Pakinggan mo ako, gusto kong magpaliwanag sa'yo"- Sabi lang nya.

"Bakit hindi mo sinabi na nakakasama mo si Ricci sa Thailand?"- diretsong tanong ko.

"Kasi Hindi naman big deal para sabihin pa sa'yo. Wala naman sa akin yun, e"- paliwanag nito.

"Wala? Sakanya ba Wala lang Yun?"- tanong ko rito.

"I'm sorry. Oo, umamin sya na gusto nya ako pero sinabihan ko agad sya na hindi ako pwede dahil I'm committed na to someone"- nagulat ako sa sinabi nito.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon