85

2.2K 67 4
                                    

JEMA’S POV

“Ano pa bang kailangan mo? “- bungad ko agad kay Celine nang makaharap ko ito.

Ewan ko ba sa babaeng ito.

Matapos kong mag patalo sa game kanina VS FEU hindi pa ata nakuntento.

Mga 10:00 PM kung saan masarap na sana ang tulog ko katabi si Deanna bigla nalang itong tumawag at gustong makipag kita bigla.

Wala naman akong magawa kaya agad akong nag taxi papunta sa bar na sinabi nito.

Iniwan ko naman si Deanna na mahimbing na natutulog sa condo.

Nag punta ako kahit sobrang kumikirot ang paa at tuhod ko.

Nung makaupo ako sa harap nito, may ipinakita ito agad sa phone nya.

Picture namin ni Deanna na kanina lang pinost nito para aminin sa lahat na oo kami at matagal na.

“Oh ano bang problema mo jan? Kami naman talaga”- ako

“Ito yung problema e. Kayo. Ikaw pa rin.”- Celine

“Kaya nga tigilan mo na kami”- ako

“Not unless mawala ka sa buhay nya”- Celine.

Gusto ko na talaga syang sabunutan that time.

“Ano bang kasalanan namin sa’yo?’- ako

“Jema. Wala ka pa sa buhay nya mahal ko na sya. Tapos bigla kang dadating?”- Celine

“Celine. Please. Kahit anong gawin mo sa akin hindi ko isusuko lang basta si Deanna. Hindi”- sagot ko rito.

“Okey. Basta ako binalaan na kita”- Celine

“Aware naman ako dun. Kaya nga kahit ayoko, nakipag deal na ako sa inyo ng dalawang buwan. Kaya ibigay mo sa akin yung dalawang buwan na usapan natin”- ako

“Ipapaalala ko lang ulit sa’yo. Wala kang pwedeng sabihan nito, kahit kay Deanna.” – Celine

Wala akong pwedeng sabihan. Pero may balak ako.
Syempre plano kong aminin lahat kay Deanna bago matapos ang dalawang buwan.
Ano ako tanga? Papayag ba ako na basta nalang nila kaming masira?

Bukod sa nangunguha lang din ako ng magandang tyempo ay nag iipon din ako ng lakas ng loob para sabihin na lahat kay Deanna.

Hindi naman madali na sabihin na minsan ay nalasing ako, nakipag sayaw kung kani- kanino at nagawan ng scandal.

Hindi ganun kadali para sabihin kahit kanino.

“Paulit ulit ka nalang, alam mo ‘yun?”- Sagot ko rito.

“Hindi. Nakikita mo ‘to?”- Hinarap ulit nito ang cellphone nya sa akin

“Gabi na pero nasa daan pa rin ang kapatid mo”- Kuha iyon ni Mafe. Nasa gilid ng kalsada at nag aabang ng masasakyan.

Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Mafe.

“Asan ka?”- Ako

“Dito ate sa labas ng school. Uuwi palang kasi katatapos lang lahat ng project. Bakit?”- sabi lang nito.

“Umuwi ka na. at huwag kang nagpapagabi!”- sabi ko rito.

“Ate. Lapit lang ng bahay natin. Wag kang praning jan. Safe ako”- Mafe

“Okey. Basta umuwi ka na”- Ako

“Ayan may sasakyan na. Ge bye Ate. Allowance ko uh”- Mafe sabay baba ng tawag.

Mag sasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang phone ni Celine.

“Hi, kasama mo sya?”- sabi nito sa kausap nya sa phone.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon