69

2.2K 64 1
                                    

JEMA’S POV

Nakapatong ang kamay ko sa balikat ni Ricci, habang nakahawak naman ito sa bewang ko.

Hindi pa rin natatapos ang kanta…

Tahimik,

Walang nagsasalita.

“Je-Jema, pasensya na”- Sabi nito sa akin.

“For?”- tanong ko rito

“ito, napilitan kang sumayaw dahil sa akin”- ngumiti naman ito na parang nahihiya na naiilang.

“Naku, Okey lang. Busy na rin naman ang mga team mates ko”- Ako

“Busy?”- Ricci

“Oo, andito rin sila nagsasayaw e”- nilingon ko ang paligid ko pero ni isang team mates ko ay wala na sa dance floor.

“Hinahanap mo ba sila? Ayun sila sa table nyo, nakatingin sa atin”- napakamot naman ito ng ulo.

Agad kong nilingon ang table nila

At nyemas

Ang laki ng mga ngiti ng mga team mates ko na parang nang aasar.

Sumesenyas naman si Chiarra at Ponce sa akin ng ‘LAGOT-KA-KAY-DEANNA’

PATAY AKO NITO.

“Pasensya na ulit”- Ricci

“Naku, wag mo silang alalahanin, naiinggit lang ang mga yan”- kunyaring Sabi ko

Nakita ko namang napangiti si Ricci.

“Uhm, Jema. I think medyo awkard pero kailangan mong malaman ‘to”- Ricci.

“Ano?”- medyo nalilitong tanong ko rito.

“Just want to tell you na…”- bigla namang nahinto ang tugtog.

Tapos na pala ang kanta. Bigla rin nagbukas ang mga ilaw.

Tinanggal ko agad ang mga kamay ko sa balikat nito.

“Sorry, maupo na ako, Thank you sa pagsayaw sa akin”- akmang tatalikod na ako nang hilain nya ang braso ko para mapaharap ulit sakanya.

“Just want to tell you na ang ganda mo ngayon, and thank you for allowing me to dance with you. Hoping na hindi ito ang huli, sige bye”- Binitawan nito ang braso ko at tumalikod na para maglakad patungo sa pwesto nila.

Napahinto naman ako sa bigla at parang na estatwa- Si Ricci ba iyon? Hindi kasi ma process ng utak ko.

Nang medyo parang ako nalang ang nasa dance floor ay bigla akong natauhan at tumakbo papunta sa pwesto ng mga team mates ko.

“HOY! Ano yun? Jema!!!”- Medyo maiyak iyak na sabi sa akin ni Chiara.

“Sabi ko sa inyo e, si Jema talaga ang nginitian nya, hindi kayo”- team mate ko.

“Hindi naman sinasadyang isayaw nya ako”- paliwanag ko

Sinamaan naman ako ng tingin ni Ponce.

“Look, wala rin malisya kung isayaw ako ng tao, kakilala nya ako, at hindi talaga sadya”- sabi ko ulit sakanila pero mga ngiting aso nalang ang mga ito na parang kilig na kilig maliban kay Chiara at Ponce.

“Sumbong kita kay Deanna”- Pabulong na sabi ni Chiara

“Oo nga, lagi nalang nagkakagusto sayo ang mga crush namin”- Ponce

“Gusto nyong wag na makauwi ng Pilipinas?”- Medyo pataray na sabi ko sa dalawa.

Bigla namang nag Peace sign ang mga ito and mouthed ‘Joke lang’

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon