83

2.5K 92 66
                                    

JEMA'S POV

Sunday Night (1 week after the deal)

Kayayari lang ng game namin vs NU

We won naman at wala pang talo.

Nag paalam ako kay Deanna na may bibilin lang ako at uuwi rin sa condo nya after.

Nasa isang bar ako.

bar kung saan sana ayaw ko na balikan pa.

Pero heto nandito pa rin ako.

Mag iisip lang.

Ibubuhos ko lang ulit lahat.

Pero natuto na ako Kaya Hindi na ako magpapakalasing.

Umorder lang ako ng 1 bottle of beer. After nito uuwi na ako.

Naalala ko na naman ang nangyari.

I was dancing that night.
Wala ako sa katinuan dahil sa alak.
Pero I don't care kasi ang sakit ng nararamdaman ko.

Then lumapit yung guy na 'yun.
Inabot nya yung isang baso ng alak.

And me, being careless ininom ko naman.

After that wala na akong naalala.

Kinabukasan nun.
Sobrang sakit ng ulo ko.

Nang magising ako pinilit kong alalahanin lahat pero wala.

Pero mas kinagulat ko nang magising akong kumot nalang ang saplot ko.

Pinulot ko kaagad ang mga gamit kong nasa lapag habang umiiyak.

then dinampot ko ang phone ko na nasa bulsa ng pants ko.

May nakadikit na note dito

"Scan your album. Thanks for a great night, Ms. Galanza"

Agad-agad kong binuksan ang phone ko at halos manghina ako nang tumambad sa akin yung mga pictures ko-

Nakahiga

At walang saplot.

Naibato ko ang phone ko that time.

Nag punta ako sa banyo para maligo habang umiiyak.

Feeling ko ang dumi-dumi ko.

Ni Hindi ko matandaan kung may nangyari ba talaga o ano.

Nang makaligo ako ay sinuot ko ulit ang damit na gamit ko nang gabing iyon.

Palabas na ako ng room nang biglang tumunog ang phone ko.

Unknown number.

Sinagot ko ito.

"Hello"- ako

"Hi. Sabi na gising ka na"- agad Kong kinaban nang marinig ko ang boses nito.

"Anong ginawa mo sa akin?"- tanong ko rito.

"Parehas naman tayo nag enjoy, uh"- Sabi nito na may kasamang tawa.

"Demonyo ka! Fuck you!"- Sabi ko rito.

"Relax. Wala naman nangyari e"- Sabi nito.

"Makukulong kang hayop ka may nangyari man o wala!"- sigaw ko rito.

"I'm sorry sweetie but you can't. Once na malaman ko na mag sumbong ka. Lahat ng vidoe and pictures mo pagkakaguluhan ng lahat"- Sabi nito.

"I don't care Kung masira Ang image ko"- ako

"Really? Sure mawawala na ang volleyball sa'yo, Sure matatanggal ka sa team and worst pati sa school mo. Ready ka na bang mag bago ang tingin Ng mga Tao sa Tatay at Ate mo na parehas na Teacher? Ang kapatid mo na nag aaral, okey lang sa'yo na apihin sya? Ano nalang mararamdaman ng Nanay mo? Really, Jema?"- Sabi nito.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon