20

5.4K 143 15
                                    

DEANNA'S POV

"Pasensya na, naitanong ko"- sabi ni Ate Jia kay Jema.

Ngumiti lang ito.

"Alam nyo, wag nyo nalang banggitin ang pangalan na yun.  Nagiging bruha yan kapag naririnig e"- sabi ni Chiarra.

Medyo lumapit naman si Ate Bea kay Chiarra.

"Anong nangyari? kwento mo sa akin"- pabulong ni ate bea pero sapat para marinig ng lahat

Hinila agad ni Ate Jho si Ate Bea at sinakal sakal ito.

"IKAW TALAGA! WALA KA TALAGANG MAGAWANG MATINO! " nanggigil na sabi ni Ate Jho.

Tumawa naman ng malakas si Jema.

Napahinto si Ate Jho at Ate Bea.

Ganun din ang iba.

"Ay, sorry. Nakakatuwa kasi kayo e"- sabi ni Jema na medyo namumula na.

"Ang cute mo no kapag tumatawa"- sabi naman ni Ate Maddie na nakatitig lang kay Jema

"Uhm. Ikaw rin, cute"- sagot ni Jema kay ate Maddie.

Bigla namang namula si Ate Maddie at bigla itong naupo ng matino.

"Lagi ka lang bang tahimik Deanna Wong? "- bigla namang tumingin ito sa akin. Nakangiti lang ito. Mukang marami rami na ang nainom.

"Yan? Hindi yan tahimik. Ginyan lang yan pag may bagong tao"- sabi ni Ponggay.

"Uh. so pili lang ang gusto nyang kausap? " tanong nito.

"Hi-hindi naman"- sagot ko.

kung kailan ako napansin ni Jema tsaka ako nakakaramdam ng hiya.

"Pero Jema, maiba ako,  may manliligaw ka ba ngayon? " tanong ni Ate Bea.

"Yan? Naku! maraming manliligaw yan minsan napupuno ng bulaklak at chocolate sa labas ng pinto ng dorm namin"- sabi ni Ponce

"Uy, Hindi naman bes. Tsaka galing sa mga fans yun. Hindi sa manliligaw"- sagot nito.

"madaldal ka talaga ponce"- dagdag na sabi ni Jema.

"Ikaw ang dumadaldal na bes. Lasing ka na ata"- sabi ni Chiarra.

"Uy,  hindi pa ano"- sabi nito sabay patong ng ulo nito kay Ponggay at pumikit muna ito.

Nanlaki naman ang mata ni Ponggay sa ginawa ni Jema.
Sinipa nya ako at dinilaan.

nag make face naman ako pabalik dito.

Hay Jema! Ano bang ginagawa mo sa amin. I mean sakanila.

"hilo na yan"- sabi ni Chiarra

"pasensya na kayo, madami lang yang pinagdadaanan"- Cy

"Kayo na muna bahala kay Jema jan"- Ponce

Tumango naman si Ponggay

"Naririnig ko kayo, di pa ako lasing"- sabi nito tsaka umayos ng upo.

"Salamat ponggay"- nginitian nito si Ponggay.

Hindi naman maitago ni Ponggay ang kilig nito.

"Guys! Laro nalang tayo! Spin the bottle! Truth or Dare" sabi ni Ate Ly.

Ano na naman bang pakulo ito.

Excited naman ang mga kasama ko.

"and everytime na maituturo kayo ng bote mamimili kayo ng iinom ng isang basong alak . Game? "- ate Jia.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon