JEMA'S POV
Umakyat ako agad ng condo ni Deanna. Dala ko ang bag at books ko. Isinama ko na rin ang rosas.
Binigyan ako ng sariling key card ni Deanna sa condo nya. Para anytime daw pwede ako tumuloy dito. Naks. Ang sweet talaga.
Pagpasok ko ng condo nito nakakalat lang ang mga libro nito sa sala.
Ibinaba ko ang gamit ko.Nag punta ako sa kusina.
Gumagawa pala ito ng miryenda.
Nag shake ito ng mangga at nagpalaman ng tinapay."Sakto. Mag miryenda muna tayo"- sabi nito.
Sumunod naman ako sakanya sa sala.
Naupo kami parehas.Napansin nito ang bulaklak na dala ko kanina.
"Kanino galing yan? "- Magkasalubong na naman ang kilay nito.
"Matagal na may nagpapadala nito sa akin. Dati after ng game ko, tapos kanina naman may nag bigay daw sabi nila Chiara pero di nila kilala. Tapos nung paalis na ako may nang iwan nito sa kotse ko"- sabi ko kay Deanna.
"Ang dami ko namang kaagaw sayo"- sabi nito.
"May sulat syang iniiwan palagi. Akala ko nga nung una ikaw kasi laging may blue na heart sa sulat"- sabi ko ulit dito.
Tinignan naman nito ang sulat.
"Parang wala akong kilala sa amin na ginyan ang sulat. Tsaka may respeto naman ang mga yun sa kung anong meron sa atin. Naku Jema. Sinasabi ko sayo! Wag kang nagpapagabi sa daan. Lagi kang tumawag sa akin"- sabi nito na puno ng pag aalala ang mukha.
"Baka fan lang. Hayaan mo na. Lagi naman akong nag iingat"- sabi ko rito.
"Siguraduhin mo lang, Jema! "- sabi nito.
Inabutan naman ako nito ng miryenda. Matapos nun ay hindi muna kami nag pansinan ni Deanna. Ginawa na muna namin ang mga school works namin.
Mga ilang oras lang ay sinilip ko si Deanna. Nakabukas ang laptop nito.
Pero tulog na.
Saglit kong itinigil ang ginagawa ko. Tinitigan ko lang ito.
Hindi ko alam, pero parang nababaliw na ako kay Deaan.
Ang sarap titigan ng mga kilay nito. Yung mata nya na parang madalas kinakausap ako at yung labi nya- Yung labi nyang yan. Naku!
Matapos kong titigan si Deanna ay ginising ko ito.
"Nakatulog na pala ako"- sabi nya.
"Oo. Pero okey lang, nag enjoy naman akong titigan ka lang"- sabi ko.
Ngumiti naman ito sa akin.
Naku. Yang mga matatamis na ngiti nyang yan. Dyan ako nahuhulog e.
"Alam mo, yariin mo na muna yan. Mag gagabi na rin. Magluluto ako ng kakainin natin. Para makapag pahinga ka na"- sabi ko.
"Yes Ma'am! "- sagot nito.
Natapos ang linggo namin na nag aaral lang. Alam mo kung ano yung masaya? Yung pakiramdam na hindi kayo distraction sa isa't isa.
Kinabukasan maaga kaming gumising ni Deanna. Parehas kaming may morning training ng 6:00 am. 4:00 am palang gumagayak na kami.
Ihahatid ko na muna ito sa Ateneo.
Nagpaalam na rin ako kay Deanna na hindi na makakapunta pa sa condo nya mamaya pagkayari ng training sa hapon at tutuloy na ako sa dorm namin.
Ilang beses pa ako nito pinilit. Mabuti nalang naipaliwag kong kailangan akong makita sa dorm.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
Hayran KurguA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...