DEANNA’S POV
Last game vs NU.
Nasa dugout na kami at nag aayos. Nakikinig lang ako ng playlist ko.“Hoy, nakita nyo na ito? Nagpunta daw si Jema kahapon sa SM at…?”- Sabi ni Ponggay.
Sabay tingin nito sa akin, binawi ko agad ang tingin ko kay Ponggay“at… may kasama raw ito”- sabi ni Ponggay sabay akbay sa akin.
Kinilabutan ako bigla. May nakakita ba sa akin? Nakita ba ako ni Ponggay? Baka may nakakuha ng picture ko.
“Sino namang kasama nya?”- tanong ni Ate Maddie.
“Ewan. Basta naka cap daw ng black”- sabi ulit ni Ponggay, inalis ko naman ang pagkakaakbay nito sa akin at tumayo.
“Deansss, saan ka pupunta?”- sabi nito.
“Ang bigat ng braso mo”- tumabi naman ako kay ate Jho.
Itinulak naman ako ni Ate Bea nang naupo ako sa tabi ni Ate Jho.
“Alis ka nga muna jan Deanns, tabihan ko lang si bebe”- pilit akong itinutulak ni Ate Bea.
“Problema mo Bea? Hayaan mo nga si Deanna!”- hinawakan naman ako ni Ate Jho sa braso.
“Uh. Ginyan saglit lang nga…”- kinuha ni Ate Bea ang cellphone nito at nag dial. Itinapat naman nito ang cellphone sa tenga nya na parang may kakausapin.
“Hi JEMA, How are you?” – sabi nito.
Agad na nag tayuan sina ate Jia, Ponggay at Ate Maddie papunta kay Ate Bea.
“Yeah, may laro kami, nuod ka? Aww sayang naman”- sabi ulit nito sabay dinilatan kami ni Ate Jho.
“Huy Bea! Boses nga nya yan! Gagu ka, akala ko nagbibiro ka”- sabi ni Ate Jia.
Sumenyas naman ito sa tatlo na wag sila maingay.
“Yes, salamat sa pag good lu-“
“Awwww. Sorry ate bea, di ko sinasadyang maibato yung bola ko sayo’- sabi ko.
Binato ko kasi ng bola si Ate Bea. Nahulog naman ang cellphone nito at pinulot agad ito ni Ate Jho.
“Oh, patay na ‘tong cellphone mo, isusunod na kita after ng game”- sabi ni Ate Jho at lumabas na ito.
Hindi naman alam ni Ate Bea ang gagawin at agad na sinundan si Ate Jho.
Tawang tawa naman ang tatlong ugok.
“Seriously Deanna? “- pinanlakihan ako ng mata ni Ate Jia.
Binigyan ko naman sya ng look na ‘PAKE MO’
“Ikaw uh. Nagselos lang? kanino?” – sabi ni ate jia sabay bato sa akin ng bola. Sinalo ko naman ito.
“No. Ginawa ko lang yun para kay ate Jho”- ibinalik ko kay Ate Jia ang bola.
“Talaga? Wala naman talagang kausap si Bea, loko loko lang talaga ang ugok na ‘yun, bahala nga sya. mukang may mag aaway mamaya”- sabi ni Ate Maddie.
Napa iling nalang ako sa mga ate ko.
Mga sira ulo na talaga.“Guys! Tara na! Warm up na!” – sabi ni Ate Ly at lumabas na kami papunta sa court. Malapit na mag start ang laro.
JEMA’S POV.
Kasalukuyan kaming nasa Gym. Nakaupo lang ako sa isang tabi, binawalan muna ako mag training. Hindi rin ako makakalaro bukas.
Nanunuod lang ako sakanila.
Ano kayang pwede kong gawin sa anniv namin ni Fhen.
Ipagluluto ko nalang sya at will surprise her nalang sa kwarto nya.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...