56

4.3K 108 3
                                    

DEANNA'S POV

Tumabi sa akin si Ricci.
Shit. Parang gusto kong lumipat ng upuan.

Hindi ako affected. Ayoko lang maging dahilan ito ng kung ano lalo at wala pang alam si Jema.

I'll tell her nalang mamaya.

"Jho. Okey ka lang jan? "- Sabay lingon nito sa likod kung saan magkatabi si Ate Jho at Ate Bea.

"Yes. Ikaw? "- Medyo naiilang na tanong ni Ate Jho kay Ricci.

"Oo naman. Ikaw, Maha-este Deanna. Okey ka lang? "- Sabay tanong nito sa akin.

Napahawak naman ako ng mahigpit sa kamay ni Jema.

"Yep"- sabi ko nalang.

Sobrang tahimik at awkward naman ng paligid.

Alam kaya nitong ugok na 'to na may iba na ako?

"Hi, I'm Ricci pala. You're Ms. Jema di ba? I'm a fan. Galing mo last season"- sabay sabi nito kay Jema.

Susme papansin.

"Uhhh. Hehe. Oo. Nice meeting you"- Sabi ni Jema.

"Tulog ka muna"- bulong ko kay Jema.

Tumango naman ito. Mabuti nalang madilim pa.

Ipinatong naman ni Jema ang ulo nito sa balikat ko.

Hindi nagtagal nakatulog na rin ako.

"Baby. We're here na"- Gising ni Jema sa akin.

Napansin kong ulo ko na pala ang nakapatong sa balikat nya.

Inangat ko ang ulo ko at unti-unting dumilat.

"Good morning, Deanna! "- Ricci.

Hindi ko ito pinansin.

"Sungit pa rin uh"- Ricci.

Fuck you. Tigilan mo ko kung hindi paliliparin talaga kita pabalik.

Mabuti nalang mukhang hindi pa nakakahalata si Jema

Lumabas naman kami sa van.

"Let's have a meal first"- sabi ni Ate Ly.

"Where are we na ba? "- Ate Bea

"Bolinao"- Ate Ly

Pumasok kami sa isang beach hotel.

May kinausap si Ate Ly at sinundan namin ito. Dinala kami nito sa isang kubo.

and wowwww.

Ang daming sea foods!

Nagutom agad ako.

Nag hugas kami ng mga kamay dahil kamay lang daw ang pwedeng gamitin sa pagkain.

Nag simula na kaming kumain.

at itong Ricci naka dikit na naman sa akin sa bandang kanan ko. Sa kaliwa ko naman ay si Jema.

"Takaw mo pa rin uh. Alam ko paborito mo 'to e. "- nilagyan nya ng alimango ang plato ko.

"Tapos ito. Ito yung paborito mong sawsawan e. Suka na may sili"- Sabay lapit nito sa akin ng sawsawan.

"Ehem Deanna. Ehem"- Ate Bea.

Wala namang kibo si Jema. Kumakain lang ito.

"Close kayo? "- Chiara

Ayan na nga ang sinasabi ko e.

Napatingin naman sa akin si Jema

"No"- ako
"Yes"- Ricci.

Tinignan ko ito ng masama.
Ngumiti lang ito.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon