31

6.1K 149 15
                                    

JEMA'S POV

Niyakap ako bigla ni Deanna. Akala mo nakakita ng multo.

Ganito ba nya ako ka miss? kasi ako sobrang na mimiss ko sya.

Hindi kasi sapat ang tawag lang or call. Madalas din naman busy kami pareho.

Kaya ngayong may time ako sasamahan ko muna sya.

"Deanna, ipasok mo muna ako sa condo mo at ang bigat ng dala ko"- sabi ko rito.

"ay, sorry. kasi ikaw binibigla mo ako"- umalis na ito sa pagkakayakap at kinuha naman nito ang ibang dala ko.

Pumasok na kami at dumiretso sa kusina.

Nakita ko naman ang mga yelo na nakalabas.

"Bakit ang dami mong yelo? " tanong ko

"Eh kasi maglalagay sana ako sa hita. Masakit e. Nabugbug last time"- sabi nito. Sabay balik nito ng mga yelo sa freezer.

Naawa naman ako bigla. Baka sinagad nito ang sarili nya para mag POG sya.

"sige mamaya tulungan kitang lagyan yang hita mo"- sabi ko rito. Tumango naman ito at ngumiti.

"Ano ba ito? " tanong nya habang inilalabas ang mga pinamili ko.

"Lulutuin ko"- sabi ko.  Tinulungan ko na syang ilabas ang karne, gulay at mga ingredients.

"Bakit ang dami? " tanong nito.

"Syempre. Para may lulutuin ka rin sa susunod"- sagot ko.

"Tanong lang. Ilang araw ka ba dito? " tanong nya.

"Kung kailan mo ako paaalisin? " sagot ko.

Ngumiti naman ito.

"Oh edi hindi ka na aalis dito. Dito ka na everyday"- sabi nito.

Tinalikuran ko naman sya matapos mailagay sa ref ang mga pagkain.

"Joke lang. Pag iisipan ko kung ilang araw kita sasamahan"- naglakad ako papuntang mini sala nya na katabi lang ng kusina.

Naupo ako sa sofa nito.

Sinundan naman ako nito at tumayo sa harap ko.

"Maupo ako saglit. napagod ako"- sabi ko.

"Bakit pag iisipan mo pa kung ilang araw ka dito? dito ka nalang hanggang sabado"- sabi nito na nakapamewang pa.

"Baliw ka. Friday palang ngayon, one week ganun? Pagagalitan ako sa dorm. May game ka ng sabado, ako naman linggo"- Paliwanag ko.

"Friday"- sya.

"Training ko yun, bukas uwi na ako uh"- ako

"No. Thursday"- sya

"Di pwede, may klase pa ako, uhmm sunday uwi na ako"- sabi ko ulit

"Wednesday"- pangungulit nya na nakakunot na ang noo.

"No. Hindi pwede. Sunday morning"- sabi ko. Hindi naman na maipinta ang mukha nito.

"Ihhhhh. Tuesday. Last na"- sabi nito. Nakatingin lang ito sa akin.

Parang bata.

Ang cute cute mo, Deanna.

"Ang kulit mo. Sunday. Afternoon"- Sabi ko.

Nag buntong hininga naman ito ng malalim.

"Ayaw mo uh"- sabi nito.

Bigla itong kumandong sa akin paharap at niyakap ako.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon