DEANNA'S POV
Sumandal ako sa head board ng kama ko.
Pinag iisipan ko kung sasagutin ko ang video call ni Ate Bea.
"Sagutin mo na yan, inom lang akong tubig"- sabi ni Jema.
Tumayo si Jema sa higaan at lumabas ng kwarto.
Tumingin naman ako sakanya bago ito lumabas at sumimangot.
NAKAKAINIS KA ATE BEA!
Sinagot ko na ang tawag nito. Itinapat ko lang ang camera sa mukha ko.
Magkakasama sila Ate Bea, Ate Jho, Ate Maddie, Ate Jia, Ate Ly , Ponggay at Jules.
Ako lang wala 😑
"Kanina pa kami text nang text tapos chat nang chat di ka man lang sumagot"- Ate Bea sa screen.
Kumakaway naman sila ate Jia sa likod nito.
Nasa kainan ata sila.
"Tsss. istorbo ka ate bea"- sabi ko lang.
"Aayain ka nga sana namin kumain! "- sabi nito.
"Ano bang pinagkakaabalahan mo jan at di ka man lang naka reply? " -Ate Ly.
"Ehh. madami. tsaka nag papahinga lang po"- sabi ko.
Bigla namang sumilip si Jema.
"Gusto mo ng tubig"- sabi nito. Napatingin ako rito at tumango.
"HOY! sinong kasama mo jan?! "- Ate Bea.
"Guys! May kasama si Deanna sa condo! " sigaw ni Ate Bea sakanila.
Napakamot naman si Jema at mouthed sorry sa akin.
Naglapitan naman sila sa camera.
"SINONG KASAMA MO?! "- Ponggay.
Lumapit naman si Jema at iniabot ang tubig.
Kinuha ko ito.
"Hoy. nakita ko yung kamay! " -Ate Maddie
Uminom ako ng tubig sa harap nila. Kinuha ni Jema ang baso at lumabas ulit ng kwarto.
"Si ate andito"- sabi ko nalang.
"Pakita nga... "- sila
"Lumabas"- ako
"Kung wala kayong sasabihin na maganda papatayin ko na"- ako.
"Okey sige. pero sure uh? kumain ka na nyan. Akala kasi namin di ka pa nakakain. Knowing you"- Ate Bea.
Ang sweet rin ng mga ito sa akin. Madalas baby baby nila ako. Kahit mga bugok ramdam ko lang palagi ang care nila sa akin.
"Opo, Tapos na"- ngumiti ako sa mga ito.
Nag paalam naman ako sakanila at pinatay ang tawag.
Sakto namang pasok ni Jema.
Inilapag ko ulit ang phone at nag silent.
Nahiga si Jema sa tabi ko.
Niyakap ko ito.
"Bakit daw? " tanong nito.
"Kain daw sa labas. Akala nila di pa ako kumain"- sabi ko habang nakayakap sakanya.
Pinaglalaruan ko ang kamay nito.
"Ang bait naman talaga ng mga ka team mo"- ngumiti ito sa akin.
"Oo naman. kahit mga ganun yun"- sabi ko.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...