11

4.9K 96 2
                                    

JEMA'S POV

Hindi na ako nakatulog pa simula nung mag open ako ng Twitter at IG.

Tumayo na muna ako at ginawa ang morning routine ko.

Lumabas na ako at mag jo-jogging muna ako. 
Medyo maaga pa at wala pang gaanong tao sa paligid. Mamaya pa namang 7:00 am ang morning training namin e

Sinuot ko ang earphone ko at nagsimula na akong tumakbo.

Habang tumatakbo ako naalala ko na naman ang nangyari kagabi.

Si Fhen, bago maging kami matalik kaming magkaibigan.
Pumasok ako ng volleyball team na walang kasama. Mahiyain ako. Kaya madalas akong naiiwan ng mga ka team ko. Pero sya, sya yung taong inalalayan ako, naging karamay ko sa lahat lahat. 

Nagulat lang ako at nasaktan sa sinabi nya sa akin. Alam kong may pagkakamali ako. Pero alam naman niyang kaibigan ko lang si Cy.  Hindi ba nya ako pinagkakatiwalaan?

Nagsimula na namang mangilid ang luha ko. 

Tumakbo lang ako ng tumakbo.
Wala ring tumatakbo sa isip ko kundi si Fhen.

Nang mapagod ako, saglit akong naupo. Naramdaman kong parang masakit ang lalamunan ko.

Sisipunin ata ako.

Nagpasya na akong bumalik sa dorm.
Tumakbo ulit ako.

Pero bago pa ako makarating sa dorm.  Hindi ko napansin na may kasalubong pala akong bike.

at the end nagkalituhan kami ng driver ng bike kung saan dapat kami lumiko at parehas kami ng direksyon na tinakbuhan.

Dahilan kung bakit ako nasubsob.

Umiyak ako na parang bata.
Hindi dahil sa masakit ang sugat ko sa tuhod at braso.

Umiiyak ako sa nararamdaman ko.

"Miss, okey ka lang? " sabi ng driver ng bike na tinulungan akong tumayo.

"okey lang kuya. masakit lang pero kaya naman" sabi ko habang umiiyak na parang bata.

Tumayo na ako.

"okey ka lang? gusto mo dalin kita sa clinic? "- sabi ni kuya.

"Hindi na po, una na po ako,  malapit naman na ako sa dorm" sabi ko nalang tsaka ako tumakbo ulit pero paika ika.

Nakarating ako sa dorm at pumasok agad sa kwarto. Gising na ang dalawa kong kaibigan nang dumating ako.

Parehas silang nakatingin sa phone nila.

"Good morning"- bati ko sakanila na walang kabuhay buhay. Umupo na muna ako sa isang upuan at tinignan ang galos ko.

Shit. Dalawang tuhod at isa sa braso. Ang hapdi. Ngayon talagang ramdam ko na yung sakit ng sugat ko. Hindi ito basta galos lang. Parang napunit yung balat sa tuhod ko. HUHUHU

"BES!  nakita mo na yung nasa Twitter at IG? " - sabi ni chiarra habang titig na titig ito sa phone nya.

"pinagkakaguluhan ka jema!  tsaka bakit ka nag diactivate ng twitter at IG, dapat sagutin mo itong mga i-" hindi na naituloy ni Ponce ang sasabihin nito dahil umiyak ako ng sobrang lakas.

HUHUHUHUHUHU

agad silang napatingin sa akin ni Chiarra at nagulat sila sa akin

"SHIT. anong nangyari sayo. Bakit ang dumi mo at napano yang sugat mo?! " - sabi ni Chiarra na agad akong nilapitan.

"okey ka lang? "- ponce

"sa tingin mo okey ako? "- ako habang umiiyak.

"Linisin agad natin yan! " -chiarra habang tarantang kinukuha ang first aid kit.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon