V

2.6K 114 28
                                    

DEANNA’S POV

Napatingin ako kay J nang banggitin nito ang pangalan ni Chiara.

“Paanong?”- itatanong ko pa sana kung bakit alam nito ang pangalan ni Chiara pero may itinuro agad ito.

May suot pala itong ID.

“uhmmm”- unti unting iminulat ni Chiara ang mga mata nya.

Tumayo naman si J at lumayo sa amin.

Hindi ko alam pero biglang nag dilim ang mga paningin ko sa inis.

‘tsss. Hindi man lang nag sorry’- bulong ko sa sarili ko.

“Okey ka lang?”- tinulangan namin nila Ate Ly na makaupo si Chiara.

“Ano ba yung tumama sa akin? Nabaril ba ulo ko? Nasaan na ba ko?”- sunod sunod na tanong nito sa amin habang himas himas ang mukha nito.

Nang mapaupo namin si Chiara ay agad kong nilapitan si J.

“Ginyan ka ba talaga ka insensitive?”- sabi ko dito habang nakatayo ako sa harap nito.

Pero hindi ako nito pinansin.
Ipinag patuloy lang nito ang pag tali ng sintas ng sapatos nya.

“Sagutin mo ako. Hindi lang coach yung tinamaan mo ng bola! Kaibigan din namin yun!”- sigaw ko rito.

“Deanna!”- agad akong nilapitan ni Ate Bei.

Nag tinginan naman sa amin ang mga tao sa loob ng gym.

Tumayo naman si J sa harap ko at tinitigan lang ako.

“Matuto kang mag sorry!”- hinawakan ko ito sa kwelyo nya pero wala pa rin itong imik.

“Ano ba, Deanna! Ang daming nakakakita sa atin!”- pinigilan ako ni Ate Bei.

Tinanggal ni J ang mga kamay ko sa kwelyo nya tsaka naglakad papunta kay Ate Ly dala ang bag nito.

Nakatingin lang kaming lahat sakanya.

Tumingin lang din ito kay Ate Ly matapos ay nag lakad na ulit palayo

Binunggo pa nito ang balikat ko nang mag tapat kami.

Dire-diretso itong lumabas ng gym.

---

J’S POV

“akala mo kung mag salita parang hindi nakasakit dati”- sabi ko sa sarili ko nang makalabas ako sa gym.

Wala na rin ako sa mood para mag training pa ngayon kaya umalis na lang ako.

Dumiretso ako sa sasakyan na ipinahiram sa akin ni Cy.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Maaga pa para umuwi ng condo.

Sure naman akong pagagalitan ako ni Cy kapag tinawagan ko sya at ipinaalam ang nangyari.

Kaya nag drive nalang ako.

Hanggang makita ko nalang ang sarili ko na nasa harap ng bahay na nilipatan nila Nanay.

Nag park lang ako sa malapit dito.

Naalala ko na naman yung mga nangyari limang taon na ang nakakalipas.

Nagising ako sa hospital ilang araw matapos ang aksidente.

at ang unang taong nakita ko sa tabi ko ay Si Cy.

Ilang raw na raw akong tulog sabi ng Doctor at isang malaking himala ang magising pa ako.

Nag makaawa ako kay Cy na ilayo ako duon kahit na hindi pa ako gaanong magaling.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon