6

5K 110 1
                                    

JEMA’S POV

YES! Game day!

Kasalukuyan kaming nasa dugout dahil malapit nang mag start ang game namin.
Naririnig ko na rin ang mga hiyawan sa loob ng court.
May mga camera na rin akong nakita sa paligid.

“Guys! This is it! First game!” – Coach Air

Tumayo na agad kami at nanalangin. Nag tabi tabi kami sa gitna at pinagpatong patong ang mga kamay namin after.

“Adamson!”- Coach Air

“Lady Falcons!”- Sabay sabay naming sigaw.

Lumabas na kami papunta sa court. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway nang Makita ko ang mga taga Ateneo.

May laro nga rin pala sila after namin.

“Hey, Galanza, Good luck” sabay kindat sa akin ni Jia Morado.
Nginitian ko lang ito at sumagot na rin ng “kayo rin”

Nakita ko naman na nag smirk si Fhen. Di ko nalang to pinansin.
Alam naman ni Fhen na labas ang kahit ano pag Game day.

“Anong meron sa mga taga ateneo? Narinig kong pinaguusapan ka nila?” – Chiara

“Ako? Maganda kasi ako”- sagot ko sakanya

“Narinig ko nga na ang pangit mo raw e”- Ponce

Binatukan ko naman ito at kinurot kurot

“HUHUHUHU. Bessss tama na,SAkit sakit oh!”- Ponce

“Kasalanan mo. Hmp”- sabi ko kay ponce bago sya tigilang panggigilan

“Baka mamaya di yan maka dig, love, ako nalang panggigilan mo”- singit ni Fhen, tsaka ako nito kinurot sa pisngi.

Naghiwalay kami agad ni Fhen nang makapasok kami sa court. Mahirap na. Madami na namang fans na kung ano-ano ang masasabi. Narinig ko agad ang mga hiyawan.
Nakita ko rin ang iba’t ibang tarpaulin na may mukha ko. Shit, nakakahiya.

“Mareng Jema. Dami mong tarp”- Ate Lyn

“Naku ate, Baka ikaw”- sabat ko naman kay Ate Lyn.

Totoo naman. Mas marami pa rin si Ate Lyn. Nahihiya ako kapag ganito,Sobrang mahiyain ako kapag humaharap sa mga tao, sa mga interviews at sa mga fans. Naks. May fans.

Hinayaan ko nalang muna ang mga sigaw. Kailangan ko mag focus.
Kumuha na kami ng bola para mag warm up sa loob ng court.

Hindi nagtagal at nagsimula na ang laro. Isa isa na kaming tinawag sa loob ng court para sa starting six.

“No, 8, JEMA GALANZA!”

Naghiyawan naman ang mga tao. Naki high five naman ako sa team at coaches.

Nang makumpleto kami sa court, pumagitna kami at nag usap.

“FOCUS TAYO! BIG GAME! WE NEED THIS!”- Ate Lyn.

“Yes Captain!”- kami.
Pumwesto na kami dahil simula na ng laro.

“Galingan mo, love” bulong sa akin ni Fhen

“Have a good set, love. Fighting”- sabi ko kay fhen at nginitian ito ng matamis. Kung di lang madaming tao hinalikan ko na ito sa pisngi e.
-

DEANNA’S POV

Game namin ngayon, kaya maaga kaming nagpunta sa venue.
Manunuod kami ng game ng Adamson vs Uste.
Nang lumabas ang mga taga adamson, nakita ko si Galanza.
Bakit parang ngayon ko lang sya nakita. Last year di ko naman sya napapansin.

Nakita ko rin na nilapitan ni Ate Jia si Galanza habang naglalakad ito. Ngumiti naman si Galanza. Shit.
Maamo pala ang mukha nito.
Inalis ko ang pagkakatingin ko sa kanya nang lumapit sa amin si Ate Jia

“What’s that?”- ate Ly

“Nag sabi lang ako ng good luck?”- ate jia

“Yeahhh. And why?”- Ate Jho

“Hoy ate Jia, bakit mo nilapitan si Crush, dapat ak-“ di na natapos ni ate Bea ang sinasabi nito dahil nabatukan na naman sya ni ate Jho

“Oo na, ikaw lang po”- Ate bea sabay akbay kay ate Jho

“Ulol. Wag nga ako Bea”- Ate Jho

“Yeah, ate Jia. Anong sabi mo kay Galanza”- putol ko sakanila.

Nag tinginan naman sila sa akin.

“Kailan ka pa naging interesado sa ganito, Deans” – ate Maddie

“okey, never mind”- bitaw ko agad.

Ginulo naman ni ate Jia ang buhok ko.

“Guys, relax. Parang di nyo crush si Jema. Mas mabilis lang ako kumilos?”- Ate Jia

“UY, Di ko sya crush”- sabi ko.

“Sa ngayon”- ate Bea

“Mamaya lalapitan ko rin sya”- Ate Maddie

“Unahan nalang tayo”- Ate Jia

“aabangan ko sya agad”- ponggay

Magtatanong pa sana ako kaso wag na, baka kung ano pa isipin nila. Anong meron ba sa isang Jema Galanza?

“Start na guys, later na yang landian na yan. For now, pag aralan ang mga kilos nila” – Ate Ly.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon