30

5.8K 167 39
                                    

JEMA'S POV

Hinila agad ako ni Chiara pag pasok ko ng room namin.

Nararamdaman ko pa rin ang init sa pisngi ko dahil sa kiss ni Deanna.

"Bes, kwento na. "- sabi ni Chiara. Pinagitnaan nila ako ni Ponce.

"Tigilan nyo ako"- tatayo na sana ako pero hinila ulit nila ako paupo.

"WAG KANG MADAMOT! "- sabi ni Ponce.

"E kasi...ano ba gusto nyong malaman? "- sagot ko.

"Bakit kayo nagyayakapan ni Deanna? "- Chiara.

Kumakabog na naman ng malakas ang dibdib ko.

"ewan ko"- tipid kong sagot.

"kayo na? "- Ponce.

"Hindi... pa"- sabi ko.

"Hindi pa? pero gusto mo? "- chiara

"Oo. hindi pa kami at Oo, gu-gusto ko sya"- mautal utal kong sagot.

Halos maghampasan naman si Chiara at Ponce sa tuwa.

"Kenekeleg ekeeee"- Ponce.

"I know you're happy, Jema. We can feel it. "- niyakap naman nila ako.

Kahit ganito ang mga kaibigan ko napaka thankful ko sakanila dahil sa suporta nila sa akin.

Matapos makakuha ng sagot sa akin ay hinayaan na nila ako. Mabuti naman!

Nag text naman ako kay Deanna.

To: Deanna Wong
Where you at na po?

Nag reply agad ito.

From: Deanna Wong
Condo na. will wash lang.

To: Deanna Wong
I'll sleep na. Okey lang? You sleep na rin agad kasi you need rest for your game tom. Galingan mo at mag ingat ka. Good nighttt 💙

From: Deanna Wong
Yes po!  Goood nighht!  Hinihintay ka na ng condo ko 💙

DEANNA'S POV

Game day. Last game before semis.

Very inspired ako maglaro today.
Ibinabad din ako ni Coach sa laro.

3rd Set na at kami ang nakakuha ng unang dalawang set.

I know. Jema's watching.

Sobrang enjoy na enjoy ko lang ang paglalaro.

Hanggang dumating kami sa Match Point namin.

Isang mahabang run.

Binigyan ko ng magandang set si Ate Ly. Pero nahabol sa kabila.

Ibinalik sa amin. Hinabol ko ang bola at nag dig.

Nag over ang bola sa kabila.
Free ball.

Sa akin pinatama ng spiker ang bola.
Nakuha ko ito naipasa ng mabuti pero napaupo ako sa sahig.

Naramdaman kong parang may mali sa pagkakabagsak ko.

Hindi ko ininda yun. Tumayo agad ako.

Naibalik na naman ang bola sa amin. Pero this time naipasa ito ng mabuti sa akin.

Mabilis kong tinignan ang kalaban.

Nakakita ako ng butas.

nag 1-2 play ako.

And I ended up the match.

Hiyawan ang mga tao. I know we will. get this match.

and hulaan nyo?

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon