39

4.9K 124 25
                                    

JEMA’S POV

GAME 3 OF FINALS.

Nasa dugout na kami. Nag hahanda para sa last game with Ateneo.

Nag check ako ng phone.

FROM: JASON
This is your last game this season. Baka naman pwede tayong mag miryenda kahit 10 mins lang after game nyo?Please, Jema. Please.

Last week pa ito nagtetext at tumatawag. Hindi ko alam kung saan nya nakuha ang number ko. Minsan nakukulitan na ako sakanya.
Minsan ang weird na rin nya. Ngayon lang naman kami nagkita pero parang alam nya lahat ng tungkol sa akin.

“Bes, anong problema?”- tanong ni Chiara. Napansin ata nitong na ba-bother ako.

“Ito kasi e, nangungulit na naman itong si Jason na kung pwede mag miryenda mamaya kahit 10 mins lang. Ang kulit. Nakakainis na. Hindi naman kami close.”- sabi ko rito.

Umupo sa tabi ko si Chiara.

“I Block mo nalang kaya?”- Chiara

“Nakakahiya naman sa tao. Tutal 10 mins lang naman pag bigyan ko na kaya? Then tatapatin ko nalang sya na nakukulitan na rin ako”- sabi ko.

“Naku bes. Parang ayoko yang ideya mo. Ang weird kaya nyang admirer mo. Parang nakasunod nang nakasunod. “- Chiara

“Samahan mo nalang ako tapos diretso na tayong dinner ng team. Pleaseee”- sabi ko kay Chiara. Gusto ko nalang talaga tapusin ito.

“Oo, sige pero saglit lang uh! so ang sched mo 10 mins kay Jason, Dinner with team and date kay Deanna? Yieee”- inasar na naman ako nito.

Susungitan ko sana sya kaso binawi ko dahil magpapasama nga pala ako sakanya mamaya.

Nag reply na rin ako kay Jason na magkita nalang kami mamaya sa isang coffee shop malapit dito sa venue.

Naalala ko na naman ang letter ni Deanna. Hanggang ngayon hindi pa kami nakakapag usap thru text or call or kahit chat. Nakatutok lang din naman ako sa training malamang ganun din sya. Okey na rin para maayos muna namin ang mga sarili namin bago mag kita.

Hindi na ako makapag hintay na makausap sya. Sobrang miss na miss ko na sya. 

Ilang saglit lang lumabas na kami ng dugout at nag warm up sa court. Naghiyawan ang mga tao. Nasa loob na rin ang mga taga ateneo.

Nagkasalubong kami ng tingin ng ibang mga taga ateneo. Nginitian ko sila.

Tapos hinanap ng mata ko si Deanna.

Nakatingin din pala ito sa akin habang may hawak na bola.

Parang napako ang tingin ko sakanya. Kahit nasa magkabilang court kami, hindi ko maalis ang tingin ko sakanya, ganun din sya. Nag uusap ang mga mata namin.

Miss na miss na kita, Deanna. Ang dami kong gustong sabihin sa iyo.

Maya-maya pa ay may tumamang bola kay Deanna.

“DEANNA! HINDI MO NA AKO BINIGYAN NG SET”- Sigaw ni Bea kay Deanna.

Nakita naman ni Bea na sa akin pala nakatingin si Deanna.

Ngumiti ito and mouthed sorry.

Nakita kong tinukso tukso nila si Deanna. Tumingin ulit ito sa akin at ngumiti bago mag warm up. Ginantihan ko rin ito ng ngiti.

Hay Deanna. I miss you. Sobra.

Hanggang mag simula na ang laban. Sobrang pursigido ang both team. Walang bumibitaw.

Nakuha namin ang unang set.

Pero hindi nagpatalo ang Ateneo at nakuha nila ang 2nd set.

Mas lalo kaming nagtrabaho sa loob ng court,

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon