78

2.5K 81 31
                                    

DEANNA’S POV

Christmas Eve

Matapos namin mag celebrate ng Christmas, umakyat na agad ako sa kwarto.

Isa-isa kong binati ang mahahalaga sa buhay ko.

Ate Jia, Ate Ly, Ate Madz, Ate Bei, Ate Jho, Ponggay and the rest of Lady Eagles.
Syempre di ko nakalimutan batiin sila Ate Jovie, Nanay at Tatay ni Jema, Mafe and syempre si Jema.

Maya-maya pa ay tumatawag si Jema.

Kaya agad kong sinagot iyon.

God knows kung gaano ko ka-miss si Jema.

“B. Merry Christmas”- masayang bati ko rito.

Pero walang sumasagot.

“B, Hello. Hello?”- Ako

Chineck ko naman ang phone ko.
May signal naman ako.

Itinapat ko ulit ang phone ko sa tenga ko.

Mag sasalita sana ako pero narinig ko naman na parang humihikbi si Jema

“Uy, umiiyak ka ba, B?” – tanong ko rito.

Lately kapag nagkakausap kami madalas nahuhuli ko itong umiiyak pero lagi nyang dinedeny.

“Na na mi-miss lang kasi ki-kita”- sabi nito while crying.

Umiiyak sya. Parang ang sakit sakit ng iyak nito.

“Shhhh. ‘wag ka na umiyak B”- ako

“O-oo. Na-na mi-miss lang ta-talaga kita”- halatang pinipigilan nitong umiyak.

“May problema ba, B”- tanong ko rito.

“Wa-wala”- plain na sagot nito.

“wag ka na iiyak. Please”- ako

“Oo”- sabi lang nito

“I Love you”- sabi ko

“uhm. Si-sige na, ti-tinawag ako ni Ta-tatay. Bye.”- nauutal na sabi lang nito sabay baba ng tawag.

Napabuntong hininga nalang ako.

Nababahala na ako sa kinikilos nya.
Pero siguro nga na mi-miss lang nya ako.

Sobrang miss ko na rin si Jema.
---

Natapos na rin ang Christmas and New Year.

Agad naman akong nakabalik sa Ateneo matapos ang bakasyon.

2nd Sem na.
Simula na ulit ng trainings, dahil 1 month nalang mag sisimula na ang season.

Kayayari lang ng training namin for today. Napagkasunduan namin na kumain sa labas.

“Sunod nalang ako Ate Bei, sunduin ko lang si Jema”- sabi ko sa mga ka-team mates ko.

Gusto kasi nila na makasama si Jema. Matagal na rin kasi nilang hindi nakikita ito.
Pati ako. 1 week na akong nakabalik pero ngayon palang kami magkikita.
Mabuti naman at napapayag ko si Jema.

Hinintay ko si Jema sa gate ng campus nila.

Kanina pa ako naka park sa gilid pero wala pa rin Jema na nagpapakita.

Tinatawagan ko ito pero busy ang phone nya.

Kaya sumandal muna ako sa upuan ng sasakyan at pumikit.

Maya-maya pa ay may kumatok sa bintana ko.

Nang i-unlock ko ang pinto ay agad na pumasok si Jema.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon