JEMA’S POV
Matapos makapag dinner at makapag shower ay nag punta naman si Ponce sa room namin ni Chiara para pag usapan ang kalokohang ginawa ko.
“So. Magkasama kayo kanina ni Ricci?”- Ponce
Tumango lang ako na parang batang may kasalanan.
“Bakit?”- Chiarra
Isa-isa ko naman kinwento ang nangyari.
“Bakit kailangan mo syang samahan?”- Chiara.
Huminga ako ng malalim.
“Kasi ano, may plano sana ako”- pag amin ko sa mga ito.
“Ano?”- Chiara at Ponce
“Ba-balak ko sana syang akitin”- medyo nahihiyang pag amin ko sakanila
Napa face palm at napakamot naman silang dalawa
“Bes, ano bang iniisip mo? “- Ponce
“Ito lang kasi yung nakikita kong paraan para lumayo si Ricci kay Deanna. May tiwala ako kay Deanna. Pero naisip ko lang na kung magkakagusto sa akin si Ricci, titigilan na nya si Deanna.”- Ako
“Kapag ba nagkagusto si Ricci sayo tingin mo maayos na ang lahat?”- Chiara.
Lumalabas na naman ang pagiging magulang ng dalawa kong kaibigan sa akin.
“Hi-Hindi”- ako
Yumuko ako sa hiya.
“Isipin mo nalang bes pag nagkagusto sayo si Ricci, tapos ano? Balak mong paglaruan yung nararamdaman nya sa’yo? Hindi ka man lang ba maaawa sa tao?”- Seryosong sabi ni Ponce.
“Sorry na. Masyado lang akong nabulag at natatakot na baka mawala si Deanna”- Ako
Niyakap naman ako ni Chiara.
"Jema. Maniwala ka lang sa pagmamahal na binibigay ni Deanna"- Chiara
Niyakap rin ako ni Ponce
"Nandito lang kami palagi, Bes. Kapag naguguluhan ka at sa tingin mo may desisyon kang kailangan gawin pero Hindi ka sure, nandito lang kami" - Ponce
Umalis ako sa pagkakayakap sa mga ito at pinunasan Ang mga luha sa Mata ko.
"Salamat. Kasi, natatakot lang talaga akong maiwan ulit. Hindi ko na Alam Kung sakaling mangyari ulit iyon. Pero Tama kayo, Hindi rin Kaya Ng konsensya ko na may masaktan akong feelings kapag nagkataon"- ako.
"Bes, bakit? Sa tingin mo ba magkakagusto talaga sayo si Ricci ?" Tawang tawang Sabi ni Ponce
"Oo naman. Maganda ako e"- Sabi ko rito.
Sabay sabay naman kaming tumawa.
Pero bigla ulit akong nalungkot
"Oh. Bakit na naman?"- Chiara.
"Namimiss ko lang si Deanna"- ako.
"Hindi pa sya nagpaparamdam simula kagabi, nag aalala na ako"- Sabi ko ulit.
Ngumiti naman si Chiara.
"Magkikita rin kayo"- Chiara.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Sige na. Magpahinga na Tayo. Umalis ka na rin dito Ponce"-sabay tulak ko Kay Ponce.
"Ang sama mo talaga Bes, Sige na. See you Bukas!"- Ponce
Sinara na namin Ang pinto namin ni Chiara.
"Patayin ko na Ang ilaw, Bes.Good night"- Chiara
"Good night."- ako

BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...