57

4.6K 149 21
                                    

JEMA'S POV

Matapos namin mag usap ay nagpuntahan na kami sa kanya-kanya naming kwarto.

Sinilip muna namin ni Bea kung merong Ricci sa paligid bago ako magpunta sa room namin ni Deanna.

Tumakbo agad ako sa kwarto.

Mabuti nalang bukas lang ito.

Pagpasok ng kwarto ko ay isang tulog na Deanna ang nadatnan ko.

Nilapitan ko ito.

Medyo naghihilik pa ito ng mahina.
Kawawa naman ang bebe ko. Napagod ata.

"I love you"- bulong ko rito.

Hinayaan ko muna itong matulog.

Kukunin ko sana ang gamit ko sa van pero napansin kong nasa kwarto na pala ang bag ko.

Mag swi-swimming na raw kami kaya nagpalit na ako.

Nag suot ako ng swim suit na color black. Nanguha muna ako ng balabal para hindi ako gaanong mainitan. Nag shade din ako.

Maya-maya pa kinatok na nila ako.

"Let's go"- Ate Ly

"Sexy"- Maddie

Naka swim suit din sila.

Lumabas na ako ng kwarto.

"Si Deanna? "- Ate Jia

"Tumba pa ate.  Hayaan na muna natin matulog"- Ako

Dumiretso kami sa beach.
Pati si Ricci sumama na rin. Ano pa nga ba? Susundan lang nito ng tingin si Jho para bantayan.

Hindi tuloy makapag lapit ng maayos ang dalawa.

Ang ganda rin pala dito sa Bolinao. White Beach at sobrang linaw ng tubig. May mga water activities din.

Nag tampisaw muna kami sa dagat. Nang mapagod ako ay naupo muna ako sa isang tabi.

Masaya akong pinagmamasdan sila nang may tumabi sa akin.

"Asan pala si Deanna? "- Ricci.

Napatingin ako rito.

Naka short lang ito at naka shades. Gwapo sya pero sorry sya. Ako ang mahal. Lol

"Tulog"- tipid na sagot ko.

"Maiba ako. Last playing year mo na next year ano? "- Ricci.

"Yep"- cold kong sagot. Wala ako sa mood para kausapin muna sya.

"Nakakaabala ba ako sayo? sorry uh. Wala lang akong makausap. Lahat kayo cold sa akin. "- Ricci.

"Alam mo naman kung bakit"- mataray kong sabi.

"Yeah. Pasensya na kung nasisira ko ang bakasyon nyo. "- Ricci.

"Huwag ka sa amin humingi ng pasensya, kay Jho at Bea mo sabihin yan. Nakikita mo ba sila? Can't you see how happy Jho is everytime she's with Bea? Hindi mo man lang ba susuportahan si Jho kahit ilang araw lang? "- Ako

Hindi ito sumagot. Nakatingin lang ito sa malayo.

Tumayo naman ako nang makita kong kinawayan ako nila Ponggay. May hawak silang bola.

"Volleyball tayo! "- Sigaw ni Maddie sa akin.

"I'll go na"- sabi ko rito at tumakbo na papunta sakanila. Sakto may net din na naka set up.

DEANNA'S POV

Nagising ako na wala pa rin kasama sa loob ng kwarto.

Nasaan ba sila?

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon