34

5.9K 155 34
                                    

DEANNA'S POV

Padabog akong pumunta sa pintuan ng condo ko.

Kung sino ka mang hinayupak ka. Ewan ko nalang!

Yun na e. Papunta na kami dun. NAKAKAINIS.

Binuksan ko agad ang pintuan. Gusto ko na bumalik kay Jema agad.

Pero nagulat ako.

"BAKIT KAYO NANDITO"- sigaw ko.

"SURPISE! " -sigaw nila.

Then I saw Ate Bea holding chips, Ate Jho with a big smile, Ate Jia with her clapping hands, Ate Maddie holding beers and Our Captain holding more beers and Ponggay with pulutans.

face palm.

Sa inis ko inirapan ko lang sila.
Naisipan ko namang isara ulit ang pinto...

Kaso nahawakan agad iyon ni Ate Jho.

"Hindi mo kami papapasukin? " tanong nito.

"Hindi po"- diretso kong sagot.

Itinulak naman nila bigla ang pinto.

Wala na akong nagawa.

"Trespassing kayo! " sigaw ko.

Pero parang wala silang narinig at tumuloy lang basta sa sala.

"Teka, may naaamoy ako"- Ate Bea.

"Oo nga e. "- Ponggay.

Dumiretso naman sa kusina si Ate Jia.

"WOWWWW DEANSS! hindi naman namin alam na pinag handa mo pala kami"- sigaw nito.

Napa tayo nalang ako sa pinto ng kwarto ko.

Patay kapag nalaman nilang andito si Jema.

Nag sunuran naman silang lahat dun.

"Deannna! "- sigaw ni Ate Jho.

Sumunod ako sakanila.

"Sinong nag luto? alam kong hindi ikaw"- Ate Jho.

"Teka. May dalawang plato, dalawang kutsara at tinidor, dalawang basooo. hmmmmm. Mag sabi ka ng totoo, Deanna"- Ponggay.

Lahat sila nakatingin na sa akin.

"Tsaka bakit gulo-gulo yang buhok mo? Nakipag sabunutan ka ba? " - Ate Ly. May halong pang aasar pa ang pagkakasabi nito.

Napa buntong hininga nalang ako.

Hanggang sa may magsalita sa likod ko.

"He-hello"

Napatingin ako sa likod ko.
Awkward na bumati si Jema.

Nanlaki naman bigla ang mga mata ng mga ate ko.

"JEMA?! "- ate maddie

"Andito ka???? totooo? " -Ponggay

"Hi, Jema"- ate jia

"Kaya pala ayaw magpapasok nitong anak ko"- Ate Bea

"Kaya pala magulo ang buhok"- ate Jho

"Kaya pala may pahanda, may kasama pala"- Ate Ly.

Nakangiti lang si Jema.

"So? ano kung kasama ko sya? " - sabi ko sakanila.

"Kumain na ba kayo? sakto kasi naparami kami ng luto ni Deanna"- sabi ni Jema.

"Hindi pa!"- sagot nila lahat.

"Tara. Kumain na muna ata tayo. Kasi nagugutom na rin kami ni Deanna e. Sa-sakto lang ang dating nyo"- sabi ni Jema na napakamot pa sa ulo.

WEAK (Jedean Gawong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon