JEMA’S POV
Nov. 28
Sinurprise ako ng mga team mates ko kanina matapos ang whole day training namin.
Pinuno nila ng mga banners and balloons ang gym habang nag sha-shower ako.
Kaya pala paglabas ko ng shower room walang katao tao.
Nagpahanda naman ng maraming pagkain si Coach Air para sa buong team dahil birthday ko.
Maaga rin akong binati nila Tatay.
Sayang naman at hindi ko sila kasama ngayong araw.Nasa loob na ako ng room.
Actually, ngayon palang ako magbubukas ng twitter and IG
Sobrang daming bumati sa akin.Sobrang nakakatuwa.
Isa-isa kong pinasalamatan ang lahat ng mga kakilala kong bumati sa akin.
Ni-like ko naman ang mga post ng mga fans ko at fans ng volleyball.
Hindi ko na nasagot lahat sa dami ng bumati.
Hanggang Nakita ko ang birthday greetings sa akin ni Deanna sa Twitter.
Binasa ko ang mga comments.
-KELEGGGG
-UY. SHIP. LALAYAG NA YAN 💛💙🌻
-KUNYARI WLYSM PERO ILYSM TALAGA YUN😅
-SANA PATI SA PUSO MO PANALO NA RIN SI DEANNA. Uxto mo yun? Uxto ko yun.
-TABI. DADAAN ANG SHIP NAMIN!⛴️
Etc.Naku, kung alam lang talaga nila kung anong meron kami ni Deanna. HAHAHA.
Nag comment naman ako sa tweet nito
‘Tnx, @deannawongst. Mahal ko rin kayo 💙’
Nag comment naman si Maddie sa sagot ko
‘@jemagalanza, Talaga? mahal mo rin?--- kami 🤫’
Gagu talaga si Maddie kahit kalian.
Hindi pa ako nakakasagot ay sumagot naman si Bea
@Maddie7Madayag, kailangan pa bang itanong yan? Hindi ba mahal mo naman talaga "kami" 🤭 @jemagalanza?’
SIRAULO talaga tong mga ito.
Sumagot naman ako rito.
‘@_beadel, @Maddie7Madayag, oo. Mahal na mahal ko…. kayo. Yieeee’
Pagkatapos nun ay pinutakte na ng mga fans ang sagutan namin ni Maddie at Bea.
Ibababa ko na sana ang phone ko ng biglang tumunog ito.
Nag pm pala si Cy sa messenger. Himala. naka block Kasi ako dito e. Para raw makalimutan na nya ako Ng tuluyan 🤦
“Hi, Jema panget. Kahit sobrang layo ko sayo, lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Im still your gwapong bestfriend. Basta kapag kailangan mo ako lagi lang akong nandito. Hope you’re always okey. Sana lagi Kang masaya 😊 Happy Birthday! Love you”
-CY
Halos maluha naman ako ng mabasa ko ito. Sasagot palang sana ako pero bigla ulit ako nitong binlock.
Si Cy talaga. Hmp.Hindi nagtagal may nag notif ulit sa twitter ko.
Guess what?Nag tweet si Ricci :
'God will surely bless your beautiful heart, @jemagalanza. Kahit lagi mo akong tinatarayan I’m still thankful dahil merong isang ikaw. Happy Birthday! enjoy your special day.
BINABASA MO ANG
WEAK (Jedean Gawong)
FanfictionA story between Jema and Deanna and how they will win Love. Ito ay isang fan fiction lang. Di ko kilala sa totoong buhay si Deanna at Jema kaya may parte ng istorya na di tutugma sa totoong buhay nila. May mga tauhan na imbento lang. BASAHIN AT YOUR...